AlDub movie nangangamoy blockbuster!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2015 - 10:00am

Nangangamoy blockbuster ang My Bebe Love, ang comedy movie na official entry nina AiAi Delas Alas at Vic Sotto sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Mainit ang pagtanggap ng mga tao sa Philippine Arena nang ipakita sa Philippine Arena ang teaser ng pelikula na tinatampukan din ng loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ang sey ng isang eyewitness, dumagundong ang malakas na hiyawan at palakpakan nang umapir sa wide screen ang teaser ng My Bebe Love.

Base sa reaksyon ng mga tao sa Philippine Arena at ng mga Team Bahay, malaki ang tsansa na maging number one sa box-office race ang My Bebe Love.

Team Bahay ang tawag sa fans ng Eat Bulaga na pinanood ito noong Sabado mula sa kanilang mga tahanan dahil wala silang panahon na pumunta sa Philippine Arena.

Member ako ng Team Bahay dahil komportableng-komportable ako sa panonood ng Eat Bulaga sa television set ko sa bahay.

Disadvantage sa akin ang no commercial break telecast ng Eat Bulaga dahil mahirap pumunta sa toilet para umihi dahil baka may ma-miss ako na mga eksena. I’m sure, ganito rin ang naging pakiramdam ng ibang mga tumutok sa Eat Bulaga noong Sabado.

Lalo namang na-excite ang American singer na si Bryan White na bumisita sa Pilipinas nang makita niya ang pictures ng crowd sa Philippine Arena noong Sabado.

May mga nagpadala ng Philippine Arena photos sa singer na nagpasikat sa God Gave Me You kaya looking forward siya sa kanyang concert sa December 1 sa Smart Araneta Coliseum.

Hoping si Bryan na panonoorin ng milyun-milyong fans ng AlDub ang kanyang concert sa Big Dome.

Kita n’yo naman, super promote si Bryan ng concert niya sa Pilipinas at hindi niya nakakalimutan na banggitin ang AlDub.

Dawin hindi pinaglampas si Lola Nidora, nanood din ng EB

Hindi nag-iisa si Bryan White dahil ka-join din sa AlDub craze ang Dessert singer na si Dawin.

Ang Dessert ang isinasayaw ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa kalyeserye ng Eat Bulaga at amazed na amazed si Dawin dahil damay siya at ang kanyang hit song sa popularidad ng Eat Bulaga.

Nakakaloka si Dawin dahil pinanood din niya ang Tamang Panahon ng Eat Bulaga noong Sabado. Wala siyang ipinagkaiba sa Filipino community sa Amerika na tumutok sa Eat Bulaga.

Fan na fan si Dawin ni Lola Nidora dahil ito ang pinupuri niya sa kanyang mga tweet. I’m sure, hoping din si Dawin na maging blockbuster ang concert niya kapag nagpunta siya sa Pilipinas. Kung kailan at saan, malalaman natin sa tamang panahon.

Regine first time tumuntong sa Sunday PinaSaya

Umapir kahapon si Regine Velasquez sa Sunday PinaSaya dahil nag-promote siya ng kanyang concert sa The Theater ng Solaire.

First time ni Regine na mag-guest sa Sunday show ng GMA 7 na kasali siya dapat pero hindi natuloy dahil nanaig sa kanya ang simpatiya sa mga dating kasamahan sa Sunday All Stars na nawalan ng weekly show.

Ang PLDT Home ang produ ng Regine At The Theater na itatanghal sa November 6, 7, 20 at 21 sa sosyal na teatro ng Solaire Resorts & Casino.

Suportado ng PLDT Home ang concert ni Regine na isa sa mga PLDT Home ambassador. Ang PLDT Home ang naghatid sa lahat ng highly successful Regine Series Mall Tour at ng mga bonggang unit ng Regine Telset phones.

ANG BRYAN WHITE DAHIL DAWIN EAT BULAGA LOLA NIDORA MGA MY BEBE LOVE PHILIPPINE ARENA SABADO TEAM BAHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with