Marimar makikita na ang tunay na ina

(Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Sa pagpapatuloy ng Marimar, bukod sa talagang masama ang ugali ni Innocencia (LJ Reyes), naging mainit ang dugo nito kay Marimar (Megan Young) dahil sa nangyaring aksidente. Gusto siya nitong sisantehin kung hindi lang sa pagtatanggol ni Esperanza (Carmi Martin) kay Marimar. 

Isinumbong naman ni Franco (Frank Ma­galona) kay Renato (Ricardo Cepeda) ang paglulustay ng pera at pagpapahamak sa sarili ni Sergio (Tom Rodriguez). Pina-hold ni Renato ang bank account nito kaya hindi na makapagwaldas ng pera. Sa sama ng loob ni Sergio, umalis ulit ito ng kanilang bahay at makikitira kay Franco. Sa daan, nagkakilala sina Sergio at Innocencia nang tulungan nila ni Franco ang dalaga.  

Sa isang big jewelery exhibit ng kumpanya nina Esperanza naman ay nagulat sina Corazon (Jaya) na makita roon sina Angelica (Jaclyn Jose) at Re­na­to. Hindi sila nagpakita sa mga Santibañez.

Sa okasyon ding iyon, nakita na nang personal ni Marimar ang image model ng kanilang kumpanya – si Mia (Alice Dixon), siya ay kapatid ni Esperanza at may-ari rin ng Maiden Pearls. Lalong humanga si Marimar sa ganda nito. Naawa rin siya rito nang marinig ang speech nito sa exhibit. Damang-dama ni Marimar ang pangungulila nito sa nawawalang anak.

Subalit, pinagtabuyan siyang muli at ininsulto ni Innocencia. Naiyak na si Ma­rimar, hanggang may lumapit sa kanya upang mag-comfort. Nang tingnan niya ang may-ari ng boses ng nag-alok sa kanya ng panyo – nagulat siyang makitang ito ay si Mia.    

Magkakakilala na nga sina Mia at Marimar. Pupu­nasan pa ni Mia ang mga luha ni Marimar kaya touched ang dalaga.

Samantala, may tina-target na space sa isang exclusive mall (Dwellings Mall) sina Mia at Esperanza para sa jewelries nila at dahil nag-resign ang kanilang Junior Designer ay may opening sila for the said position. Interested mag-apply si Marimar pero tatarayan at lalaitin lang siya ni Innocencia samantalang very encouraging naman si Mia kaya matsa-challenge lalo si Innocencia at mag-a-apply na rin siya for the position.

Sa paglipas ng mga eksena ay mapipilitang namang umalis sina Marimar, Corazon, at Fulgoso sa bahay ng pamangkin ni Corazon dahil nagiging sanhi sila ng pag-aaway ng mag-asawa.

Tutulungan ni Mia sina Marimar, Corazon, at Fulgoso na makatira sa employee’s quarters ng company nila. Overwhelmed at thankful si Marimar sa kabaitan ni Mia.

 

ACIRC ALICE DIXON ANG CARMI MARTIN CORAZON ESPERANZA INNOCENCIA MARIMAR MIA NBSP SERGIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with