Sitcom nina Maricel at Roderick niluluto na sa TV5
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2015 - 10:00am

Kabilang pala ang sitcom na tatampukan nina Maricel Soriano at Roderick Paulate sa mga bagong show na kinu-conceptualize ni Mr. Vic del Rosario para sa TV5. Nakausap na ni boss Vic ang respective managers nina Roderick at Maricel at okay sa kanila ang project. Kung masusunod ang calendar na gusto ni boss Vic, January or February 2016 ang gusto niyang airing ng wala pang title na sitcom.

Albert balik sa serye, JM tsugi na talaga?!

Totoo pala ang tsikang babalik si Albert Martinez sa teleseryeng All of Me ng ABS-CBN at noong Sabado ay nagsimula na siyang mag-taping.

Ang sabi, hanggang ending na ng teleserye ang labas ng aktor. Tuwang-tuwa ang fans nina Albert at Yen Santos sa pagbabalik ng aktor. Ang hindi malinaw sa viewers ng All Of Me ay kung ibabalik pa ang karakter ni JM de Guzman. Tinanong si JM ng kanyang fans na idinaan nila sa Instagram (IG), pero hindi ito sumasagot.

Iya magkakaserye na rin sa wakas

Mapapanood na rin sa teleserye ng GMA 7 si Iya Villania dahil kasama siya sa cast ng upcoming series na tinatampukan nina Gabby Concepcion, Rafael Rosell, at Carla Abellana.

Tila Madrasta ang title ng teleserye na ayon sa mga naunang releases ay sa November na ang pilot.

Mula nang lumipat sa GMA-7, ang daming tsika ng tele­serye na kasama raw si Iya, pero ngayon lang matutuloy at sana, hindi na siya mapalitan.

Bentahan ng ticket ng show nina Alden at Maine, record-breaking!

Kita ang pagkasabik ng AlDub Nation na makita nang matagalan na magkasama at mag-perform together sina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa pag-uunahan nila para makabili ng tiket sa Oct. 24 show na Tamang Panahon.

Ang haba ng pila sa mga designated ticket outlets at may napanood kaming video na nagtsa-chant ng “tiket, tiket” dahil nagkaubusan na.

Monching at Tina nagkabalikan?!

Everybody happy kung totoo ang balitang nagkabalikan sina Ramon Christopher at Tina Paner na original na magkarelasyon bago dumating si Lotlot de Leon sa buhay ni Monching.

Kaya namin nasabing everybody happy dahil may boyfriend na si Lotlot at masaya siya sa piling nito.

Deserve rin ni Monching na maging happy at magkaroon ng second chance ang relasyon nila ni Tina.

ALBERT MARTINEZ ALDEN RICHARDS ALL OF ME ANG CARLA ABELLANA GABBY CONCEPCION IYA IYA VILLANIA LOTLOT MONCHING STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with