Anak ni Vina todo workout na rin
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2015 - 10:00am

Masaya si Vina Morales na naging bahagi siya ng teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? na nagtapos noong Biyernes. Inabot ng siyam na buwan ang nasabing proyekto dahil naging maganda ang pagtanggap ng mga manonood dito. “Nakailang seasons pa kami. ‘Yung iba one season lang ‘di ba? So talagang I consider us lucky at nagpapasalamat kami sa lahat ng mga nag-aabang at nanood sa amin almost every weekday. Nakaka-miss talaga but siyempre we should be thankful na rin kasi nine months din ‘yun in the making,” nakangiting pahayag ni Vina.

Samantala, ngayong anim na taon na ang anak ng aktres na si Ceanna ay nami-miss na raw niya ang pagkakaroon ng abs at magandang pangangatawan. “I still have it but siyempre I have Ceanna now but I want it back. Madali lang naman sa akin kasi once na ‘pag nandiyan naman ‘yung muscle mo, madali na lang ibalik ‘yun. But I also take care of what I eat. Tinitingnan ko talaga kung ano ‘yung kinakain ko. I think it’s also exercise. Conscious ako in a way since ‘yung trabaho namin you have to look good. When you’re on TV it adds ten pounds. So I know I really have to take care of myself,” paliwanag ni Vina.

Isinasama na rin daw minsan ng aktres ang anak kapag pumupunta siya sa gym. “She sees me naman ‘pag nagda-diet ako. Nagde-delivery food ako. She says, ‘Mom are you just going to eat that?’ or parang ‘Where are you going mom?’ and I say, ‘I’m going to the gym, do you want to go?’ She goes with me, gano’n. So she knows healthy living kami,” nakangiting kwento ng aktres.

Beteranong aktor na si Eddie Garcia sunud-sunuran lang sa director

Mahigit anim na dekada na sa industriya si Eddie Garcia pero hanggang ngayon ay hindi pa raw nagbabalak na magretiro ang beteranong aktor. Kabilang si Eddie sa pelikulang Tomodachi na pinagbibidahan nina Jacky Woo at Bela Padilla. “Kaya pa naman eh, kaya ko pa,” natatawang bungad ni Eddie.

“Naghihintay pa nga ako ng mga darating na projects. Hanggang kaya pa ng katawan ko, magtatrabaho pa ako. Para sa akin kasi, ang pag-aartista is trabaho lang. Kung ano ang dumating na project, sunggaban mo. At saka hangga’t kailangan pa ako sa industriya at may role pa para sa akin, mag-a-artista pa rin ako,” dag­dag ni Eddie.

Bukod sa pagiging magaling na aktor ay kilala rin si Eddie bilang respetadong direktor. Si Joel Lamangan ang nagdirek ng bagong pelikula at ayon kay Eddie ay wala siyang naging suhestiyon kay Direk Joel habang ginagawa ang proyekto. “Well, I’ve been working with Joel for a long time. Sa akin, kapag siya ang direktor, dapat sundin mo siya, igalang mo. Hindi ako nakikialam, hindi rin ako nagsa-suggest, actor lang talaga ako. Kinuha naman ako ng producer sa pelikula para umarte at hindi para magdirek kaya hindi ako nakikialam,” giit niya.

ACIRC AKO ANG BELA PADILLA BUT I CEANNA DIREK JOEL EDDIE EDDIE GARCIA JACKY WOO NASAAN KA NANG KAILANGAN KITA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with