^

PSN Showbiz

Netizens umalma sa desisyon ng MTRCB sa Showtime

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nagbaba ng desisyon ang MTRCB ng self-regulation sa It’s Showtime kaugnay sa reklamo ng grupong Gabriela na diumano’y tila pambubugaw sa Pastillas Girl.

Hindi natuwa ang karamihan sa mga netizen sa desisyon ng MTRCB dahil ang dating sa kanila ay mahina pa rin ito at kailangang  mas mabigat na desisyon sa naturang segment.

Pero ayon sa MTRCB Chair Atty. Toto Villareal, mas mabuting mag-focus ngayon sa mga programang nagbibigay ng magandang aral at halimbawa sa mga manonood.

Hindi lang niya mabanggit na positibong aral ang binibigay ng kalyeserye ng Eat Bulaga, pero binanggit niya ang ibang prog­rama, kagaya ng Nathaniel, Be Careful with My Heart at ang huli raw na nakitaan niya ng magagandang aral ay ang Princess in the Palace ni Ryza Mae Dizon.

PAK: Hindi nakasagot si young actress nang deretsahang tinanong ng mentor niya kung totoong may inuwi siyang guwapong model nang magkakilala sila sa isang bar.

Ang tiyak na sinagot lang ni young actress ay wala raw nangyari sa kanila.

Pero marami ang nakasaksi sa bar na ‘yun na doon lang sila nagkakilala, kaagad na binakuran na ni young actress at hindi na siya humiwalay kay guwapong model. Ilang sandali lang ay nawala na sila, kaya ang duda ng mga nakakita sa kanila, naiuwi na si male model.

Nang nakarating ito sa mentor/manager ni young actress, kaagad niyang tinanong kung totoo iyun, pero ang tagal bago nakasagot si young actress na itinatanggi ang naturang tsismis.

BOOM: Ibinulong na lang sa amin ni Jeremy Marquez na officially engaged na nga sila ni Gwen Zamora.

Iniiwasan muna nilang pag-usapan nang husto dahil mas mabuting mag-focus daw muna sila sa kandidatura ni Jeremy.

All-out ang suporta ni Gwen kay Jeremy na nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy sa Paranaque City Hall kahapon ng umaga.

Si Jeremy ang tatakbong Vice Mayor ng Parañaque at natutuwa si Joey Marquez sa kanyang anak dahil nakikita raw niya ang lahat na pinaghirapan nito para maabot ang matagal na niyang pangarap sa pulitika.

Bukod kina Joey Marquez at Gwen, sinamahan din si Je­remy nina John Estrada at Boy2 Quizon na suportado rin ang pagtakbo ng actor/politician.

ACIRC

ANG

BE CAREFUL

CERTIFICATE OF CANDIDACY

CHAIR ATTY

GWEN

GWEN ZAMORA

JEREMY MARQUEZ

JOEY MARQUEZ

JOHN ESTRADA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with