Luis at dalawa pang anak ni Edu sasama sa kanyang kampanya
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2015 - 10:00am

Early bird kahapon si Edu Manzano sa COMELEC Intramuros para maghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagkasenador.

Kasama ni Papa Edu ang kanyang tatlong anak, si Luis Manzano, ang only girl na si Adie at si Enzo.

Siyempre, pinagkaguluhan ng mga tao at ng media si Papa Edu at ang kanyang mga anak. First time nakita ng personal ng mga tao na magkakasama ang tatlong anak ni Papa Edu.

Full support sa se­natorial bid ni Papa Edu ang kanyang mga junaks.

Nagkakaisa ang mga tao sa kanilang opinyon na papasa rin na mga artista sina Adie at Enzo.

Waiting pa ang lahat sa announcement ni Papa Edu tungkol sa political party na sasalihan niya.

Definitely, hindi ang Liberal Party dahil kumpleto na ang senatorial line up ng partido ni P-Noy.

Alfred at Robert, mu-ling kakandidato sa 2016

Dalawa sa mga alaga ko ang kandidato sa 2016, si Congressman Alfred Vargas at si Robert Ortega.

Nauna nang nag-submit ng certificate of candidacy si Alfred na tatakbo uli bilang House Representative ng 5th District ng Quezon City.

Naghain naman kahapon si Robert ng COC dahil tatakbo uli siya na konsehal ng 5th District ng Maynila at huling term na niya.

Toni, Direk Paul at Alex, bitbit ng ama sa pag-file ng COC

Kandidato sa Taytay si Bonoy Gonzaga, ang tatay nina Toni at Alex Gonzaga.

Naghain kahapon si Bonoy ng certificate of candidacy dahil tatakbo uli siya bilang Vice Mayor ng kanilang bayan.

Kasama ni Bonoy sa filing ng COC ang kanyang mga anak na sina Toni, Alex at ang manugang na si Paul Soriano.

Oscar Oida at MJ Marfori, ikakasal na

Ninang ako sa kasal nina MJ Marfori at Oscar Oida sa Jan­uary 2016.

Lumabas na ang mga pre nup photo ng mag-dyowa at kitang-kita ang happiness nila.

Entertainment news reporter ng TV5 si MJ at GMA 7 news reporter si Oscar kaya hindi nakapagtataka na nagkrus ang kanilang mga landas.

Bilang pampabuwenas, ibinigay ko na kina Oscar at MJ ang wedding gift ko sa kanila, kesehodang sa 2016 pa ang pag-iisang dibdib nila.

Aktres ‘di na natuto, nagsasakit-sakitan na naman

Dalawang beses na na-pack up ang taping ng aktres para sa isang TV show dahil may sakit daw siya.

Nag-aalala ang mga involved sa production na baka masundan pa ang pag-absent ng aktres at maging dahilan ito para matsugi siya sa television show na kauumpisa pa lamang.

Bagay na bagay sa aktres ang kanta ni Gary Valenciano na Di Na Natuto dahil hindi na siya natuto sa mga karanasan na pinagdaanan niya kaya na-lost in space noon ang kanyang career.

ACIRC ADIE ALIGN ANG LEFT MGA OSCAR OIDA PAPA EDU QUOT STRONG TONI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with