Luis gusto munang magpayaman
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2015 - 10:00am

Maraming artista ang nagdeklara na ng kanilang pagkandidato para sa nalalapit na eleksyon. Matagal-tagal na ring napababalita ang planong pagpasok ni Luis Manzano sa pulitika pero hanggang ngayon ay hindi pa rin daw desidido ang aktor para rito. “Sometimes we wake up to a whole new mind set. Sometimes we get a good sleep tapos magigising tayo na iba na ang pananaw natin sa buhay natin,” makahulugang bungad ni Luis.

“It’s 60-40, 60% na medyo baka hindi muna because I’m going to be very busy for the first six months of 2016. It’s going to be very difficult to campaign. Kung sakali mang palarin, manalo, it’s going to be very unfair for the voters na binoto ako tapos mas busy ako sa showbiz. Nakakahiya naman sa mga botante,” paliwanag ng aktor.

Nakikita raw ni Luis sa inang si Vilma Santos-Recto na Gobernador ng Batangas kung paano ito maglingkod sa mamamayan ng lungsod. “I see how people come up to my mom and my mom tumutulong siya from her pocket. Ako hindi ko pa kaya ‘yun. Kaya ko ‘yun pero baon ako sa utang after ng first term ko. I’d rather have enough money, be more stable than run. If ever that I need to use my own money to help people, mas okay,” giit ni Luis.

Samantala, suportado rin daw ng binata ang amang si Edu Manzano na tatakbo naman bilang senador. “I have faith in my dad. I know his integrity. He’s been vice mayor of Makati. He’s been the chairman of the OMB (Optical Media Board). He knows his way around the political arena kahit paano. No one can ever question my dad’s integrity. He definitely gets my vote,” pagtatapos ng aktor.

Ruffa nandidiri sa pulitika, nanay na si Annabelle wala na uling planong kumandidato

Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez na hindi na muling sasabak ang inang si Annabelle Rama sa pulitika. “Hindi na, tapos na ‘yung mga araw na ‘yun, nakakapagod. Saka kailangan sa pulitika talaga maraming pera saka marumi ka. ‘Di ba no matter how honest you are at alam ko namang maraming politicians and people in government that are honest pero nangyayari kasi natatabunan ng marurumi. ‘Yun ang nakakalungkot,” paliwanag ni Ruffa.

Samantala, nilinaw rin ng aktres ang tungkol sa diumano’y pagtutol ng ina sa bagong kasintahan na si Jordan Mouyal. “’Yung mommy ko talagang paiba-iba ng mood. Depends on how she’s feeling that day kung type niya o hindi. But for me I’ll always respect her, she’s always be my mom,” giit ng aktres.

ACIRC ANG ANNABELLE RAMA EDU MANZANO JORDAN MOUYAL LUIS LUIS MANZANO OPTICAL MEDIA BOARD QUOT RUFFA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with