Toni at Coco magpapatawa sa TV ngayong Oktubre

(Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Masarap panoorin ang nakakakilig na Pinoy romantic comedies ngayong “ber” months. Ngayong October, mapapanood ng mga SKYcable at Destiny Cable digital subscribers ang You’re My Boss sa kanilang mga TV screen.

Si Toni Gonzaga ay si Georgina, isang airline executive, at si Coco Martin naman ay si Pong, ang kanyang cute-na-cute at humble na assistant. Nagsimula ang kwento nila noong pilitin ni Georgina si Pong na magpanggap bilang boss – alang-alang sa isang business deal. Nagmula man sa isang pagkukunwari ang kanilang pagsasama, unti-unti naman silang nahulog sa isa’t isa. Sa halagang P199, mapapanood ang You’re My Boss whether in standard or high definition, for three straight days of unlimited viewing, mula October 17 to 31. Maaa­ring manood sa mga sumusunod na channel: Ch. 242 (HD) at Ch. 89 (SD) para sa SKYcable subscribers sa Metro Manila, CAMANAVA, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan (San Jose Del Monte); Ch. 702 (HD) at Ch. 22 (SD) para sa SKYcable subscribers sa Cebu, Baguio, Iloilo, Bacolod, Davao, Ge­neral Santos, and Dumaguete. Ang mga Destiny Cable digital subscribers ay maaring manood sa Ch. 242 (HD) at Ch. 89 (SD).

Para maabutan ang umpisa ng mga movies na ito, mag-tune-in at two hour intervals mula 12 mn onwards.

ACIRC ANG BACOLOD COCO MARTIN DESTINY CABLE GEORGINA METRO MANILA MY BOSS NGAYONG OCTOBER SAN JOSE DEL MONTE SI TONI GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with