_ngayon
^

Na-sight ding nanood ng Felix Manalo, Gov. Vi binulabog ang Comelec

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2015 - 10:00am

Sinamahan kahapon ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto at ng kanyang anak na si Ryan Christian si Senator Ralph Recto nang mag-submit ito ng certificate of candidacy sa COMELEC.

Tatakbo uli si Papa Ralph bilang senador at todo-suporta sa kanya ang pamilya niya.

Nang malaman ng COMELEC employees na darating si Papa Ralph, nag-expect sila na kasama si Mama Vi at hindi sila nabigo.

Past 3 p.m. nang dumating sa COMELEC ang mag-anak at siyempre, pinagkaguluhan sila ng mga miyembro ng media at ng mga usisero. Literal na nabulabog ang buong COMELEC dahil sa presence ni Mama Vi at ng pamilya nito.

Kung kahapon nag-file ng certificate of candidacy for re-election si Papa Ralph, bukas naman maghahain si Mama Vi ng CoC para sa kanyang kandidatura sa 2016. Tatakbo si Mama Vi bilang house representative ng lone district ng Lipa City at pupusta ako na mananalo siya dahil sa kanyang magandang track record sa mundo ng pulitika at public service.

Confirmed na ang kandidatura ni Mama Vi pero hindi pa malinaw kung matutuloy ang pagpasok sa pulitika ng kanyang anak na si Luis Manzano dahil sa rami ng commitments nito. Siguradong tutulong din si Luis sa campaign ni Mama Vi at ni Edu Manzano na tatakbong senador sa 2016.

Nakunan nga pala si Mama Vi ng litrato na kasama ang mga kabataan na nanood sa isang sinehan ng Felix Manalo. Na-sight ko ang picture na may caption na “Even Miss Vilma Santos wouldn’t want to miss this World Breaking Filipino Film.”

‘Di sanay na wala si Bong sa tabi Lani emosyonal nang mag-file ng COC

Hindi napigilan ni Congresswoman Lani Mercado na mapaluha nang mag-file siya kahapon ng certificate of candidacy sa Cavite dahil na-miss niya ang asawang si Senator Bong Revilla na naka-detain pa rin sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Hindi naiwasan ni Lani na maging emosyonal dahil very supportive sa kanya si Bong. Madalas na magkasama ang mag-asawa kapag naghahain sila ng kanilang mga certificate of candidacy.

Huling term na ni Lani bilang lone house representative ng Bacoor kaya tatakbo siya bilang mayor ng nasabing bayan sa 2016. Last term ni Bacoor City Mayor Strike Revilla kaya ito ang kakandidato na house representative ng kanilang lugar sa darating na eleksyon.

Re-electionist naman si Jolo Revilla bilang Vice Governor ng Cavite province at sila pa rin ni Governor Jonvic Remulla ang tandem.

Yaya Dub pahinga muna sa Kalyeserye, Alden napaiyak

Pinaiyak uli kahapon nina Alden Richards at Maine Mendoza ang viewers ng Eat Bulaga.

Marami ang nalungkot at napaluha nang mag-babu si Yaya Dub sa kalyeserye. Kung kailan paalis na ang van na sinakyan niya, saka naman humahangos na dumating si Alden sa Broadway studio ng Eat Bulaga, dala ang mga pasalubong mula sa Japan na ibibigay kay Yaya Dub.

Mabuti na lang, umapir si Alden kahapon sa Eat Bulaga or else, masisira ang credibility ko. Kumalat kasi ang balita na ngayon pa lang lalabas si Alden sa Eat Bulaga na kontra sa report ko na kahapon ang balik niya sa Eat Bulaga.

Anyway, cry me a river ang viewers ng Eat Bulaga sa pagpapaalam nina Alden at Yaya Dub sa isa’t isa. Pati si Alden, umiyak dahil feel na feel niya ang napakalungkot na eksena.

Inisip ko na baka hindi muna mapapanood si Yaya Dub sa Eat Bulaga dahil kailangan na siyang mag-shooting para sa My Bebe Love, ang kanyang first ever movie at filmfest entry nina Vic Sotto at AiAi Delas Alas.

ALDEN ALDEN RICHARDS ANG BACOOR CITY MAYOR STRIKE REVILLA BULAGA CAMP CRAME EAT BULAGA LANI MAMA VI PAPA RALPH YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with