^

PSN Showbiz

Pag-mature ng akting nina Daniel at Kathryn mapapanood na sa TV

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala na talagang tatalo pa sa tambalang Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo. Mapa-teleserye o pelikula, sila talaga ang reigning love team ng bayan. Kinababaliwan on and off screen, sila ang in-demand na pairing ng mga Philippine romantic films ngayon. Unang nakita sa Crazy Beautiful You ang pag-mature ng talent ng KathNiel, sa ga­ling nilang iparamdam ang malalim na back story at pinagdadaanan ng kanilang characters sa pelikula.

Ngayong October, mapapanood ng Kathniel Fans ang Crazy Beautiful You sa SKY Pay-Per-View – para muli nilang matunghayan ang paglago ng talent ng dalawang young stars na ito. 

Ang Crazy Beautiful You ay tungkol sa buhay nila Jackie (Kathryn Bernardo) at Kiko (Daniel Pa­dilla). Lumaking pasaway na dalaga si Jackie, sa­mantalang laki sa sipag at tiyaga itong si Kiko. Simula noong nagkakilala sila, unti-unti na silang nai-inlove – at ang kanilang umuusbong na pagmamahalan ang nagbibigay sa kanila ng lakas para malagpasan ang kanilang mga problema.

Ka­sama rin sa cast sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, at Iñigo Pascual.  

Naging malaking success ang romantic film na ito para sa KathNiel, lalo na noong lumagpas sa two million dollars ang kanilang ticket sales abroad. For only P199, mapapanood na ang mga pelikulang ito sa standard o high definition for three straight days of unlimited viewing ngayong October.

Maaring panoorin ang mga ito sa mga sumusunod na channel: Ch. 243 (HD) at Ch. 140 (SD) para sa SKYcable subscribers sa Metro Manila, CAMANAVA, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan (San Jose Del Monte); Ch. 704 (HD) at Ch. 21 (SD) para sa SKYcable subscribers sa Cebu, Baguio, Iloilo, Bacolod, Davao, General Santos, and Dumaguete. Ang mga Destiny Cable digital subscribers ay maaring manood sa Ch. 243 (HD) at Ch. 140 (SD).

 

ACIRC

ANG

ANG CRAZY BEAUTIFUL YOU

CRAZY BEAUTIFUL YOU

DANIEL PA

DESTINY CABLE

GABBY CONCEPCION

GENERAL SANTOS

KATHNIEL FANS

KATHRYN BERNARDO

KIKO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with