^

AlDub fans tagumpay sa pagpapakuha ng dugo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2015 - 10:00am

Tagumpay ang blood letting ng AlDub Nation fans nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub last Sunday na ginawa sa main office ng Philippine National Red Cross. Sa pagsasara ng blood letting campaign ng AlDub Nation, nakakolek­ta ng 65 blood units ang PNRC at 195 patients ang magbe-benefits dito.

Present si PNRC Chairman Richard Gordon sa blood letting at pinuri ang AlDub Nation ni Ms. Gwendolyn Pang, Secretary General ng PNRC dahil ginamit daw ng fandom ang kanilang kasiyahan para makatulong sa pagliligtas ng buhay.

Isa pang positibong dala ng AlDub ang ginawa ng Fine Arts students ng University of Rizal System sa Angono, Rizal na members ng Mural by Artist Society-Likhang Uno na pininturahan ang covered court walls ng Angono National High School ng mga karakter ng kalyeserye. Malapit na raw ang fiesta sa Angono at contribution ng mga estudyante sa beautification program ang ginawang pagpipinta kina Alden, Maine, Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros), at Lola Tinidora (Jose Manalo).

Samantala, bukas pa babalik sa Eat Bulaga si Alden kahit nakabalik na ng bansa para hindi masira ang flow ng story ng Kalyeserye na in-inject ang karakter ni Isadora.

But starting October 17, busy na naman siya dahil launching ‘yun ng album niyang Wish I May under GMA Records. May photo ops ang fans kay Alden na siguradong aabutin ng siyam-siyam. Sa Oct. 18 ay may mall show siya sa Ever Commonwealth na balita namin, sa open air area na gagawin. Sa Oct. 23 naman ang mall show niya sa Market, Market.

After ng MMFF (Metro Manila Film Festival) entry na My Bebe Love, sa March 2016 uli gagawa ng movie sina Alden at Maine, hindi na Valentine’s Day presentation dahil sa schedule ng APT Entertainment.

Benjamin inuunang ligawan ang mga magulang at kapatid ni Glaiza

“Nanunuyo” at hindi pa “nanliligaw” ang tawag ng isang close kay Glaiza de Castro sa ginagawa ni Benjamin Alves para iparamdam na gusto niya ang aktres. Ang ibig yatang sabihin nito, inuunang suyuin ni Benjamin ang parents at siblings ni Glaiza at saka siya pormal na manliligaw sa aktres.

Nagugustuhan ng pamilya ni Glaiza ang ginagawa ni Benjamin dahil sa bahay binibisita si Glaiza at hindi sa trabaho nito. Kapag nagdala ng food si Benjamin sa taping o place of work ni Glaiza, hindi ito nagtatagal at umaalis agad.

Gusto rin ng pamilya ni Glaiza na hindi pina-publicize ni Benjamin ang panunuyo kay Glaiza at nang usisain nga namin sa taping ng Beautiful Strangers sa panliligaw niya, nahiya pa itong sumagot.

Kung totoong extended ang teleserye, ang ganda kung idadagdag sa cast si Glaiza.

Pabor ang friends ng dalawa kung magkakarelasyon sila dahil bagay sila at parehong malalim.

Kylie nakahanap ng chemistry kay Kenneth Medrano

Hindi na mahihirapan ang GMA 7 na hanapan ng ka-love team si Kylie Padilla dahil bagay sila ni Kenneth Medrano, winner ng That’s My Bae contest ng Eat Bulaga. Ang lakas ng chemistry nila sa Buena Familia at dahil sa che­mistry na ito, hindi pinatay ang karakter ni Kenneth na si Pacoy dahil marami ang kinikilig sa kanila.

May fans na agad ang tambalan nina Kylie at Kenneth at ang tawag nila sa kanila ay KenLie. Request pa nila na hindi lang Buena Familia ang maging last nilang pagtatambal at masundan pa ng ibang project.

 

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BUENA FAMILIA DAHIL EAT BULAGA GLAIZA HINDI KENNETH MEDRANO NBSP SA OCT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with