Billy at Luis ayaw makisakay sa kumpetisyon!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2015 - 10:00am

Kapag nagsimula na ng paghu-host ng Family Feud si Luis Manzano ay may tigatlong programa na sila ng kaibigan niyang si Billy Crawford sa ABS-CBN.

Mabuti naman at pumantay si Luis kay Billy kaya pansamantalang natigil ang iringan dahil sa paramihan ng show. Magsisimula na naman ito sa pagsasama nilang muli sa Pilipinas Got Talent.

Sigurado si Billy sa relasyon nilang magkaibigan na hindi lamang rival hosts kundi para na ring magkapatid.  

“Hindi kami padadala sa anumang intriga. We’re both mature para sumakay pa sa ganitong gulo at padala sa mga sinasabi ng tao. Alam namin ang trabaho namin at pareho naming pinagbubuti ito,” ani Billy after ng launching niya ng Celebrity Playtime.

“We’re looking forward sa muling pagsasama namin sa PGT,” dagdag pa ni Billy.

Ang Probinsyano hindi nakakabagot, mabilis ang takbo ng istorya

Hindi ko madalas masubaybayan ang FPJ’s Ang Probinsyano kaya nang magkaro’n ako ng tsansa na mapanood ang mga naipalabas nang episodes nung Linggo ay hindi ko ito pinalampas.

Maganda ang pagkakasalin sa TV ng pelikula na parang ang natira lamang ay ‘yung relasyon ng mga characters, ang pagiging kambal ng dalawang pulis na parehong ginagampanan ni Coco Martin.

Unti-unti na ring ipinaaalam sa mga manonood ang relasyon ng magkapatid at kung bakit lumaki sila na magkahiwalay, at bakit may galit si Kardo sa kanyang lola (Susan Roces).

Malaking sindikato ang babanggain ni Kardo sa pagpapanggap na si Ador na merong asawa’t anak, samantalang siya ay may naiwang anak-anakan sa probinsya at isang best friend na babae na may kakaibang pagtingin sa kanya.

Magandang abangan ang paghaharap nina Kardo at asawa ni Ador na si Carmen (Bela Padilla). Paano maiiwasan ni Kardo na hindi magkaro’n ng intimate moments sa asawa ni Ador na akala ay asawa siya? 

Maganda naman ang role ni Iza Calzado rito kahit maikli. Ganun din si Jaime Fabregas, pero wagi ‘yung pagkakapili sa bata na gumaganap ng anak-anakan ni Kardo na lumayas papuntang Maynila para hanapin ang tatay-tatayan niya.

Hindi kataka-taka kung bakit pinapanood ang Ang Probinsyano. Mabilis ang takbo ng istorya para sa isang serye sa TV. Hindi maiinip ang manonood. Lalo na ngayong si Ador na si Kardo at matatalino ang mga kalaban niya, hindi kaya siya mahalata?

Paglalandi ni Bailey hindi ba mapipigilan ni Big Brother?!

Bakit ba itong si Bailey May ng PBB (Pinoy Big Brother) ay napakadaling magpalit ng crush o iibigin? Matapos ang maintriga nilang ligawan ni Barbie Imperial nung nagsisimula pa lamang ang PBB 373 na ikinatuwa ng marami ang pagkaka-evict sa magandang Bicolana dahil natigil ang hindi pa napapanahong ligawan nila, ngayon naman ay ang kasama niya sa Big 4 na si Ylona Garcia ang hinahabul-habol nito at ipinagsasabing gusto niya.

Ano ba ‘yan, eh iisang taon pa lang naman ang nadagdag sa edad niya? Pareho lang sila ng Australian teener na 13 anyos, batam-bata pa para ma­sangkot sa ligawan. Wala bang magagawa rito si Big Brother? Bakit hindi na lang niya ipinasa kay Mother Karla Estrada ang responsibilidad na pigilan si Bailey sa kanyang ginagawa?

ACIRC ANG ANG PROBINSYANO BAILEY MAY BAKIT BARBIE IMPERIAL BELA PADILLA BIG BROTHER BILLY CRAWFORD HINDI KARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with