Umamin sa tunay na ugali: I’m a Jerk. I’m sorry - Kris
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Uy hindi na talaga tuloy ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Kris Aquino with Herbert Bautista. Kahapon ay nag-post siya sa Instagram ng ‘I’m a jerk. I’m sorry.’

At ang caption : This post is for @malousantos03, @krizgazmen & Direk @tonet_jadaone... I’m sorry for the stress I put you through, the many wasted hours working on the project, and all the effort you exerted... I was wrong to commit to something that in all honesty, I am emotio­nally, physically & mentally not ready for... ?#?hiyanghiya ?#?IAmSorry

Ang mga nabanggit na pangalan ang involve sa pelikula sanang gagawin niya na magiging entry ng Star Cinema sa 2015 MMFF.

May ilang nagpo-protestang fans dahil pinaasa lang daw sila ni Kris pero marami rin naman nakaintindi sa kanya. Pero ang ibang fans nina Kim Chiu at Xian Lim, imbyerna.

Kamakailan lang ay naging sakitin si Kris dahil sa walang tigil na kakatrabaho. Muntik pa nga siya nung atakihin dahil tumaas ang blood pressure sa sobrang pagod at puyat na siya mismo ang nagbalita sa kanyang social media account.

Pero tinapos niya pa rin ang pelikulang Etiquette for Mistresses na second week na ngayon sa mga sinehan.

Pinayuhan si Kris ng mga doctor niya na maghinay-hinay sa trabaho kaya siguro hindi na niya itutuloy ang MMFF movie.

Pero we never know baka naman magbago pa ang isip ni Kris. Kahit itanong n’yo pa kay QC Mayor Herbert Bautista.

Bulakbol daw kasi, Pacman pinagdududahan ang pagkandidato sa Senado

May political ad na rin si Manny Pacquiao na lumabas na sa social media kahapon.

At ang konsepto, ang kanyang pagiging Makadiyos… Makabayan … Maaasahan.

Ipinakita sa nasabing ad ang kanyang pagiging mabuting ama at ang pagiging bayani sa boxing.

Maganda at nakakaengganyo dahil ipinakita rin doon ang mga ipinagawa niyang pabahay at iba pang natulungan.

Ang tanong lang, ‘pag naging senador kaya si Cong. Manny Pacquiao masusulyapan kaya natin siya o magiging no. 1 absentee siya tulad sa Congress kung saan nangunguna ang pangalan niya sa mga kongresista na hindi nag-a-attend ng session? For this year, out of 70 sessions, apat na beses lang siyang present.

Anyway, nagpahayag si Pacman kahapon sa interview na magreretiro siya pagkatapos ng isang laban.

Ayon sa interview, magko-concentrate na lang ito sa pulitika na matunog ngang kakandidatong senador.

Well, nagpahaging naman si Pacman sa nasabing interview na hindi siya magiging bulakbol sakaling kumandidato at manalo siyang senador.

Well, good luck Pacman.

Charo Santos-Concio mainit na sinalubong ng mga taga-Emmy

Tumulak na papuntang Versailles, France si ABS-CBN President, CEO, and CCO Charo Santos-Concio para gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang gala chair ng 43rd International Emmy Awards na gaganapin sa Nobyembre.

Personal na sinalubong si Charo ng International Academy of Television Arts and Sciences chairman na si Fred Cohen sa isang dinner na idinaos sa kilalang Chateau De Versailles noong Sabado (Oct. 3) kung saan nagtipun-tipon ang aabot sa 200 miyembro ng international board, opisyal ng gobyerno ng France, at iba’t ibang broadcasters.

Kasama ni Charo sa France sina ABS-CBN Integrated Acquisitions and International Distribution head Leng Raymundo, Concept Development Group and New Media head Enrico Santos, at Acquisition Manager Rachel Simon.

Makasaysayan ang pag-upo ni Charo bilang gala chair ng International Emmy’s dahil siya ang pinakaunang Philippine television executive na naimbitahan dito. Hindi lang nito kinikilala si Charo sa kanyang kontribusyon sa larangan ng broadcasting, kung hindi pati na rin ang ABS-CBN.

Pamumunuan ni Santos-Concio ang Gala, kung saan kikilalanin ng International Academy ang programming sa sampung program categories at gagawaran ng Special Awards sina Julian Fellowes, ang creator at writer ng Downton Abbey (Founders Award), at Richard Plepler, ang Chairman at CEO ng HBO (Directorate Award).

Kamakailan lang ay pinangalanan na ng Academy ang 40 nominees sa 10 kategorya mula sa 19 bansa na kinabibila­ngan ng Angola, Austria, Argentina, Belgium, Brazil, Canada, Colombia, France, Japan, Mexico, Netherlands, Norway, Portugal, Spain, South Africa, South Korea, Turkey, U.K. at U.S.

Ang 43rd International Emmy Awards ay gaganapin sa November 23 sa New York Hilton Hotel sa pangunguna ng Egyptian satirist na si Bassem Youssef bilang host.

Jennylyn binuhay ang dugo ni Sam

Showing na next week, October 14, ang sinasabing Ultimate Kilig Movie of The Year, ang The PreNup mula sa Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Sam Milby and Jennylyn Mercado. Kinunan pa sa New York ang karamihan sa eksena. Huling napanood si Jen sa 2014 MMFF surprise blockbuster na English Only, Please! Kaya mataas ang expectations sa kanya sa pelikulang ito. Asking sila kung pang-best actress din ba ang acting niya rito.

Remember, itinaob niya ang mga kalaban sa 2014 MMFF.

At in fairness, kuminang ang pagiging aktres ni Jennylyn nang siya ang tanghaling Sexiest Woman ng FHM this year.

First time naman nilang nagtambal ni Sam sa pelikula.

At ang napansin daw nila, ‘yung pagiging tahimik na tao si Sam ay ginising ni Jen sa kanilang malalagkit na mga eksena! Saksi umano ang Central Park, Times Square at iba pang dinadayong lugar sa New York sa maliligayang sandali nina Sam at Jen.

Eh, wala rin namang boyfriend si Jennylyn. So kung ligawan man siya ni Sam eh, hindi malayong i-entertain niya ang binata!  Kaya nga huwag magtaka na kung sakaling pagkatapos ipalabas ng rom-com movie nila at nakikita silang mag-date, ayun na ‘yun.

Magkakaroon ito ng premiere night sa Oktubre 13 sa SM Megamall, ?7:00 PM.       

ACIRC ANG CHARO CHARO SANTOS-CONCIO INTERNATIONAL EMMY AWARDS JENNYLYN MANNY PACQUIAO MGA NBSP PACMAN SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with