Nagbabalik-showbiz manager may ibubuga ang bagong alagang

(Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines –  Isa na namang bagong mukha ang nadagdag sa listahan ng nagbabalik showbiz na manager na si Jojo Veloso. Siya si Georgina Fortalejo, tubong Butuan City sa Mindanao. 20 years old at may taas na 5’ 5” at maganda ang hubog ng katawan sa sukat na 34-24-34 at kasalukuyan nahinto sa kanyang pag aaral ng accountancy sa FEU para bigyan katuparan ang kanyang matagal ng pangarap, ang maging isang mahusay na artista.

Nadiskubre si Georgina ni Jojo sa isang car show at hindi na nagdalawang-isip ang dalaga nung alukin siya para mag-artista. Agad-agad siyang ipinakilala kay Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment Group of Companies at right then and there pinapirma siya ng 5-year exclusive contract at isinali sa isang reality show project ng Viva ang Pantaxa na binubuo ng pitong naggagandahang mga babae at magtatagisan ng talino at galing para makuha ang premyo na one million worth of film and endorsement contracts.

Bale dalawa ang alaga ni Jojo rito sa Pantaxa, bukod kay Georgina, siya si Anya Aragon na ka­sing ganda at kasing sexy din tulad niya.

ACIRC ANG ANYA ARAGON BOSS VIC BUTUAN CITY GEORGINA GEORGINA FORTALEJO JOJO JOJO VELOSO PANTAXA VIVA ENTERTAINMENT GROUP OF COMPANIES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with