_ngayon
^

Bela sinuwerte rin sa INC

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2015 - 10:00am

Matagumpay daw ang premiere showing ng Felix Manalo na hindi ko na pinagtatakhan dahil sa mga trailer pa lamang nito ay talagang nakita na kung gaano ito kaganda.

Kung maswerte si Dennis Trillo na magampanan ang role ni Felix Manalo, mas swerte si Bela Padilla dahil sa rami ng magagaling ding artistang babae sa bansa ay siya ang pinili para gampanan ang role ng maybahay ni Ka Felix na si Honorata Manalo.

Maganda ang role niya sa napalaking pelikula. Walang ibang role siyang makukuha na mas magpapakilala sa kanya sa tao.

Paolo at LJ hinihintay na ring umamin

Si Paolo Contis naman kaya, kailan aaminin si LJ Reyes? Bagaman at hindi pa nila inaamin ng aktres ang kanilang relasyon ay marami na ang nagpapatunay na mayro’ng namamagitan sa kanilang “something”.

Benjamin dapat gayahin si Kean

Si Benjamin Alves din, ayaw ipabuko kung sino talaga ang nililigawan. Hindi nga ito pumapasyal ng bahay ni Glaiza de Castro, pero marami ang nakakapansin na involved na involved siya sa nalalapit na concert ng Kapuso actress.

Hindi naman siguro malalagay sa alanganin ang mga karakter nila kung aamin sila sa totoong namamagitan sa kanilang dalawa.

So ano pa ang ikinatatakot nila? Buti pa si Kean Cipriano, napakatapang na inamin si Chynna Ortaleza gayung maraming babae ang nag-iilusyon sa kanya. Buti pa siya!

Felix Manalo malinis na malinis ang premiere

Talagang pinagbuti ng mga nasa likod ng Felix Manalo movie ang paghahanda para maging maayos ang premiere night ng nasabing pelikula. Hindi nagkaroon ng gulo sa pagpasok at paglabas ng napakaraming tao sa venue.

Maligayang bati sa INC sa napakaganda ng pelikula nila at sa napakaayos na pagdaraos ng kanilang event. Sayang, hindi ako nakapunta. Magiging malaking abala ang aking wheelchair.

ANG BELA PADILLA BUTI CHYNNA ORTALEZA DENNIS TRILLO FELIX MANALO HONORATA MANALO KA FELIX KEAN CIPRIANO SI BENJAMIN ALVES SI PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with