Kuh may misyon sa mga manonood ng kanyang concert
Kuh may misyon sa mga manonood ng kanyang concert
Rodel C. Lugo (Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Kilala si Kuh Ledesma hindi lamang sa kanyang galing as a performer and artist kundi maging sa kanyang strong faith sa Panginoon.

Sa kanyang higit tatlong dekada sa industriya, magkakaroon siya ng isang major concert, 35+ The Kuhl Event na gaganapin sa Christ’s Commission Fellowship (CCF) Center Main Auditorium sa Tiendesitas along C5 in Pasig on October 16, at 7 p.m.

May special reason si Kuh kung bakit niya naisip gawin sa kanilang church ang nasabing concert, “I did some inspirational concerts in the U.S. and some here, pero feeling ko mas maganda talaga sa isang simbahan to do an inspirational show and really give back glory to God.”

Hiling nito sa Panignoon na bigyan pa siya ng lakas at mas makaimpuwensya ng ibang tao na mapalapit sa Diyos, “I can only say that it is really the hand of God that sustains me. My prayer is that God continues to widen my sphere of influence so that I can bring more people to Him and in doing that, it has become a tremendous blessing in my life.” pagtatapos ni Kuh.

Special guest naman sa nasabing show si Fernando Carillo, ang Venezuelan actor na gumanap bilang Fernando Jose sa original Mexicanovela na Marimar at pinagbibidahan ni Thalia.

Ang tickets ay nagkakahalaga ng P3,000, P2,500, P2,000, at P750. Para sa iba pang impormasyon at reservations maaaring tumawag sa mga numero bilang 5310688 at 09178139065.

ANG CENTER MAIN AUDITORIUM COMMISSION FELLOWSHIP DIYOS FERNANDO CARILLO FERNANDO JOSE KILALA KUH KUH LEDESMA KUHL EVENT MARIMAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with