Lea enjoy sa bashers! Fans ni Nora umaasang hindi lang sa simula ng serye mapapanood ang Superstar
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2015 - 10:00am

SCENE: “It’s free publicity” ang reaksyon ni Lea Salonga sa balita na ibo-boycott ng Filipino fans sa Amerika nina Alden Richards at Maine Mendoza ang Allegiance, ang Broadway musical na tinatampukan niya. 

SEEN: Lea Salonga’s reaction: “The more silent they are, the less Allegiance is talked about. So let them make noise. It ends up funneling in my direction.

When life throws you lemons, make lemonade despite the temptation to squeeze the juice into the eyes of the bashers.”

SCENE: Ang Thanksgiving dinner ng mga artista at production staff ng Ang Probinsyano ng ABS-CBN noong Sabado dahil sa mataas na ratings ng kanilang primetime show. 

SEEN: Preparing for motherhood si Isabel Oli dahil tungkol sa pagbubuntis at pag-aalaga ng sanggol ang kanyang online searches. Ipinagbubuntis ni Isabel ang panganay nila ni John Prats. 

SCENE: Sa isang building sa Quezon City ang set ng mga eksena nina Nadine Lustre at James Reid sa On The Wings of Love, ang feel good romantic teleserye ng ABS-CBN na mataas ang rating.

SEEN: Balik-GMA 7 si Eddie Garcia dahil kasama siya sa cast ng Little Mommy, ang primetime drama series na pagbibidahan nina Kris Bernal, Gladys Reyes, Mark Herras, Renz Fernandez, at ng child star na si Chlaui Malayao. 

SCENE: Ang Little Mommy ang unang teleserye ni Nora Aunor sa GMA 7 at umaasa ang kanyang fans na mapapanood siya mula umpisa hanggang katapusan ng drama series.

ALDEN RICHARDS ANG ANG LITTLE MOMMY ANG PROBINSYANO ANG THANKSGIVING CHLAUI MALAYAO EDDIE GARCIA GLADYS REYES ISABEL OLI LEA SALONGA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with