_ngayon
^

Enrique nahirapan magseryoso

(Pilipino Star Ngayon) - October 3, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Malapit nang mapanood ang pelikulang Everyday I Love You na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Matatandaang sa teleseryeng Forevermore huling nagtambal ang dalawa.

Ayon kay Enrique ay ibang-ibang ang kanyang karakter dito kumpara sa kanyang mga nagawa noon. “They wanted to make a character na sobrang different sa mga character na na-portray ko dati. They want to take out the ‘Enrique Gil’, ‘yung how you know me. ‘Yung biglang crazy movements, ‘yung mga kahit maglakad parang sumasayaw. They want to change all of that. So they want me totally as stiff as possible,” pagbabahagi ni Enrique.

Kinailangan daw talagang pag-aralan ng aktor ang kanyang bagong karakter lalo na’t isang entrepreneur ang kanyang ginampanan sa pelikula. “Mostly ‘yung roles ko dati not serious guys. Ito sobrang serious business man so sobrang iba. So it’s a hard adjustment pero tinutulungan naman ako ng direktor,” kwento ni Enrique.

Matagal na raw niyang crush Pastillas Girl parang barbie ang tingin kay Enrique

Kahit sikat na sikat na ngayon si Angelica Jane Yap o mas kilala sa tawag na Pastillas Girl sa programang It’s Showtime ay wala naman daw balak pasukin ng dalaga ang pag-aartista. “Hindi eh, kasi may mga tao nagsasabi sa akin na, ‘Uy! Artista ka na ah!’ Pero sabi ko sa kanila hindi ako artista, totoong tao ako. And kapag sinasabi nila na ang dami kong fans, sinasabi ko wala akong fans. Meron lang akong supporters and haters. Hindi sila fans, supporters sila,” nakangiting pahayag ni Angelica.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa nasabing noon time show dahil sa mga pangyayaring hindi niya inakalang magaganap. “Biggest lesson is forgiveness, ‘yun talaga. Kasi dumating na ‘yung ex (boyfriend) ko, dumating na ‘yung best friend ko sa Showtime and let’s face it, if it weren’t for the show wala akong chance na makausap sila,” pagtatapat ni Angelica.

Maraming bumabatikos kay Pastillas Girl ngayon kaya todo-suporta naman ang mga mahal sa buhay nito. “’Yung family ko very positive naman sila, very supportive. They’re very proud of me. Ako talaga ito eh, hindi nga, seryoso ako,” giit niya.

Samantala, isa sa mga aktor na hinahangaan ni Angelica Jane ay si Enrique Gil. Maraming mga bagay daw ang nagustuhan ni Pastillas Girl sa binata. “Matagal ko na siyang crush. Matagal na, kahit no’ng hindi pa siya nagpo-Forevermore. Nakapagpa-picture na ako sa kanya one time no’ng nagte-taping sila ni Liza Soberano, for ‘yung last movie nila. Sobrang bait niya, sobrang gwapo. Parang Barbie, parang wala siyang pores,” kinikilig na pahayag ng dalaga.

ACIRC ANG ANGELICA JANE ANGELICA JANE YAP ENRIQUE ENRIQUE GIL LIZA SOBERANO MATAGAL MGA PASTILLAS GIRL YUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with