^

PSN Showbiz

Kaya hindi nag-anak, Dindi Gallardo aminadong hindi magiging mabuting ina

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masaya ang tsikahan nina AiAi delas Alas at Regine Velasquez na mapapanood sa CelebriTV bukas ng hapon.

Nakakaaliw ang kuwento ng Asia’s Songbird nang ma-hospita­lized daw si Ogie Alcasid na kung saan nakikipag-flirt daw sa nurse habang kaharap siya. Wala kasing kaselos-selos si Regine sa relasyon nila ni Ogie kaya ang cool lang daw nila.

Nangako si AiAi na mag-guest din siya sa Sarap Diva ni Regine.

PAK: Final na ang desisyon ni Dindi Gallardo na dito na siya uli sa Pilipinas pagkatapos niyang nagpahinga sa showbiz ng 15 taon.

Pumayag naman daw ang asawa niyang si Eric Mills sa desis­yon niyang iyon kaya pupuntahan na lang daw siya rito ng asawa niya.

Wala sa plano ni Dindi na magka-baby dahil 33 years old lang daw siya ay nakapagdesisyon na raw siyang huwag na mabuntis.

 “Even when I was working in New York, I was traveling so much.

 “I can’t bring a child into the world, knowing that I’m not a responsible parent. It’s unfair to the child.

 “At 33 I knew already, At 33 I knew I don’t want kids.

 “I doesn’t make me less of a woman if I don’t have children,” pahayag ni Dindi.

Pumirma na ang dating beauty queen sa Viva Artists Agency at ‘yun na raw ang magha-handle ng kanyang career.

BOOM: Hindi ma-take ng magaling na actress at TV host na tawagin siyang tatanga-tanga. Palib­hasa, matalino naman talaga si actress/TV host kaya parang ‘di niya maatim na ganun ang tawag sa kanya kahit pabiro pa.

Pabiro lang naman kasi ang sagot ng male co-host niyang minsang tinanong ng isang fan.

Hindi matanggap iyun ni actress/TV host kaya nang magkita sila sa taping, dedma talaga at kahit nag-sorry sa kanya si male co-host di pa rin matanggap ni actress/TV host.

Ang pagkakaalam namin nagsumbong si actress/TV host sa kaibigang sikat at magaling ding komedyante. Parang ‘di rin type ng kaibigang ko­med­yante si male co-host. Kilala niya kasing hate na hate ni actress/TV host na tawagin siyang ta­nga kahit pabiro pa.

Pero sabi naman ng ilang staff na nakarinig sa birong iyun ni male co-host, biro lang nga yun at minsan matindi naman talaga ang biruan nila. Hindi na ba puwedeng palagpasin ‘yun?

ACIRC

ALIGN

ANG

DINDI

DINDI GALLARDO

ERIC MILLS

HOST

LEFT

NEW YORK

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with