^

PSN Showbiz

Sarah natatawa lang ‘pag pinag-uusapan si Gerald

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagkita kami kahapon ni Sarah Geronimo sa opisina ng Viva Films dahil may meeting yata siya para sa concert niya sa Smart Araneta Coliseum.

Siyempre, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko, nasabi ko kay Sarah na si Gerald Anderson ang type ko na maging boyfriend niya.

Hindi bayolente ang reaksyon ni Sarah. Natawa na lamang siya bilang love na love niya ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Sinabi ko rin kay Sarah na hindi ako nagsasawa na panoorin ang mga pelikula nila ni Gerald tuwing ipinapalabas ito sa Cinema One.

Sa pagbabalik-showbiz, Dindi willing maging nanay kina KC at Sarah

Bumisita ako kahapon sa Viva Films office para sa contract signing ni Dindi Gallardo.

Contract star si Dindi ng Viva Films nang mag-umpisa ang showbiz career nito noong 1993 kaya ngayong balik-Pilipinas na siya, may-I-return siya sa kanyang mother studio.

Five years ang kontrata na pinirmahan ni Dindi sa Viva Films at okey sa kanya na tumanggap ng mother roles. Payag siya na maging madir ni Sarah Geronimo o ni KC Concepcion sa pelikula at mga teleserye.

Ramon Ang hinayang na hinayang na hindi rin nakuha sina Alden at Yaya Dub

How true na nanghinayang daw ang businessman na si Ramon Ang dahil hindi natuloy ang business deal niya sa GMA 7?

Isang reliable source ang nagkuwento sa akin na hinayang na hinayang daw si Papa Ramon sa naudlot na pagpasok niya sa Kapuso Network. Type na type pa naman daw ni Papa Ramon ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub na gusto sana niya na gawin na corporate endorsers ala-Manny Pacquiao.

Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Papa Ramon dahil phenomenal naman talaga ang pagsikat ng loveteam nina Alden at Maine.

Pulido at maganda ang pagkakagawa Felix Manalo graded A ng CEB

Congrats nga pala sa Viva Films dahil Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Felix Manalo.

Hindi nakakagulat ang Grade A na ibinigay ng CEB sa epic movie ng direktor na si Joel Lamangan dahil maganda talaga ang pagkakagawa sa pelikula na tungkol sa kuwento ni Ka Felix, ang First Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo.

Napanood na ni June Rufino ang kabuuan ng pelikula. Ang sey ni June, maganda talaga ang Felix Manalo at sinasabi niya ito, hindi dahil may kinalaman siya sa pagbuo ng project pero talagang pulido ang much-anticipated movie ng taon na malapit nang mapanood sa October 7 sa mahigit 300 theaters sa buong Pilipinas.

ALDEN RICHARDS

ANG

CINEMA EVALUATION BOARD

CINEMA ONE

DINDI

FELIX MANALO

PAPA RAMON

RAMON ANG

SARAH GERONIMO

VIVA FILMS

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with