Maja may mapangahas na major concert sa MOA
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Wow ha, may major concert na si Maja Salvador. At sa MOA Arena pa.

Yup, naghahanda na raw si Maja para sa kanyang Majasty concert sa November.

Natuwa siyempre ang fans ni Maja nang i-post niya sa kanyang Instagram account kahapon ang poster ng major concert niya. Pero meron naman ibang nag-react na kaya ba raw ni Maja ang MOA Arena. Besides, paano raw bibirit si Maja? Unless sayawan daw ito.

Aba, tinalbugan pa raw niya ang mga legit singer na naglalakas ng loob na mag-MOA.

Dennis memorize na ang Bible!

Binigyan ng A grade ng Cinema Evaluation Board (CEB) kahapon ang epic filmbio na Felix Manalo ng Viva Films na magkakaroon ng higanteng premiere screening sa October 4 sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan.

Ayon sa ilang nakapanood na ng pelikula, pagkahusay-husay kasi ni Dennis Trillo sa Felix Manalo lalo na sa eksenang ang hahaba ng dialogue niya na mga galing sa Biblia ang kanyang mga sinasabi.

At parang kabisado raw ni Dennis ang Bible.

Anyway, nagkaroon na ng advance ticket selling ang pelikula na nagsimula nu’ng Lunes, September 28 kaya hindi na pipila ang mga gustong makaunang manood ng pelikula na idinirek ni Joel Lamangan.

Ayon sa Viva Films personnel, ang nasabing advance ticket selling ay  para maayos at makaiwas ang mga gustong manood sa pagsisiksikan sa opening day, October 7.

Ang premiere night na gaganapin sa October 4 sa 55,000-seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, ay inaasahang dadaluhan ng 30,000 to 40,000 guests.

Netizens ‘tinaob’ na ang kapangyarihan ng mga pulitiko?!

Hindi na raw mga pulitiko ang makapangyarihan ngayon kundi ang mga netizen na.

Aba, keri na raw ng ibang netizen na mag-assassinate ng mga personalidad ‘pag ‘di nila nagustuhan ang mga sinasabi nito.

Ganito nga naman ang nangyari kay Lea Salonga na winasak-wasak ng fans ng AlDub nang magsalita na kababawan lang ang nasabing palabas.

Wow, talagang giniyera siya ng fans ng AlDub kahit walang mention kung kanino siya nababawan.

Literal na wasak ang pagkatao ni Lea dahil lang sa isang tweet niya at nakalimutan na isa siyang international singer at tumanggap ng recognition bilang stage actress sa Broadway.                                     

ANG AYON BOCAUE BULACAN CINEMA EVALUATION BOARD FELIX MANALO MAJA MGA NBSP PHILIPPINE ARENA VIVA FILMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with