Nathaniel finale pumalo ng all-time high rating
(Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Pinakapinanood na programa sa buong bansa ang ABS-CBN consistent top-rating primetime series na Nathaniel noong Biyernes (Setyembre 25) na nakakuha ng national TV rating na 42% para sa finale episode nito o halos triple sa national TV rating ng katapat na programa na 17.4% base sa datos ng Kantar Media.

Patuloy naman ang paghataw ng ABS-CBN sa sumunod na araw nang manguna ang Maalaala Mo Kaya (MMK) sa listahan ng pinakapinanood na mga programa sa bansa noong Sabado sa pagtampok nito ng kwento ng banana cue vendor na ngayon ay The Voice Kids season 2 champion na si Elha Nympha.

Nakakuha ang tagos pusong MMK episode ng national TV rating na 31.9%.

Maganda rin ang rating ng Showtime Kapamilya Day: The ANIMversary Kick Off sa Araneta Coliseum kumpara noong mga nakaraang araw.

Samantala, wagi rin ang unang episode ng bagong ABS-CBN weekend game show na Celebrity Playtime ni Billy Crawford na umani ng national TV rating na 28.7%.

 

ANG ARANETA COLISEUM BILLY CRAWFORD BIYERNES CELEBRITY PLAYTIME ELHA NYMPHA KANTAR MEDIA KICK OFF MAALAALA MO KAYA SHOWTIME KAPAMILYA DAY VOICE KIDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with