^

PSN Showbiz

Susan at Sen. Grace tama lang ang ginagawang hindi pagpatol sa pag-epal ni Sheryl

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Tama lamang na huwag nang pansinin pa ng mag-inang Susan Roces at Sen. Grace Poe ang ginawang pagsasalita ni Sheryl Cruz laban sa pagtakbo nito sa pagkapangulo ng bansa.

Magkakamag-anak sila at mag-iiwan ng hindi ma­gandang lasa sa bibig kapag nagpatuloy ang ka­ilang away na hindi lamang maapektuhan ang senadora kundi maging ang aktres.

Hindi magandang pangyayari yung naganap sa presscon ng Felix Manalo na kung saan ay hindi na isinama si Sheryl at hindi na pinapasok sa venue dahil baka raw mahaluan lamang ng pulitika ang okasyon. Nagsalita na rin ang mga taong nasa likod ng sinasabi niyang naapektuhan na negosyo niya dahil sa ginawa niyang pagbibigay ng opinyon laban sa senadora. Itinanggi nila ang mga sinasabi ni Sheryl.

Hindi matatapos ang palitan ng mga hindi magagandang salita kung papatulan pa ito ng mag-inang Susan at Grace kaya tama na ‘yung naunang engkwentro. Mas marami silang bagay na dapat unahin muna.

Kris hindi na naman napigil ang bibig

Ano mang pagpigil ang gawin ni Kris Aquino ay talagang sa bibig niya lumalabas yung mga sik­re­tong pinakatatago-tago niya. Bukod sa isang ba­gong programa na sinasabing sisimulan niya ga­yung ang rason kaya binitawan niya ang Aquino & Abunda Tonight ay para makapagpahinga siya pero, ‘yun pala ay may bago siyang show?

Hinihintay din ng marami ang sinasabing “pinagdadaanan” niya ngayon na hinala ng marami ay may kinalaman sa kanyang puso. Meron na nga bang kasunod ang episode nila ni Mayor Bistek?

ABUNDA TONIGHT

ACIRC

ANG

FELIX MANALO

GRACE POE

HINDI

KRIS AQUINO

MAYOR BISTEK

NBSP

SHERYL

SHERYL CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with