‘Mga binigyan ko ng Youth Achievement Award napakalaki ng pasasalamat’
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2015 - 10:00am

Napakalaki ng pasasalamat ng mga kabataang artista na ginawaran ko ng Youth Achievement Award sa FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Awards last week. Hindi nila alam kung paano ako yayakapin bilang pasasa­lamat dahil first award yata nila ‘yun.

I’m sure marami ang sasang-ayon sa mga pinapanalo ko gaya nina Kim Rodriguez, Kiko Estrada, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Robi Domingo, Sophia Andres, Nadine Lustre, Diego Loyzaga, Jasmine Curtis-Smith, at Mark Neumann.

Lalaking anak ni Dulce nakipagsabayang bumirit

May anak palang lalaki si Dulce na magaling din kumanta. Nakasama niya itong nag-perform sa kanyang two-night na SRO at sold out concert sa Music Museum.

Napakagaling pa rin talaga ng beteranang singer na hindi nagbabago ang timbre ng boses at maging ang kanyang karisma sa audience.

Patok na patok siya sa mga nanood ng kanyang palabas na hinuhulaang magkakaroon ng repeat.

Jake hindi takot kahit maraming kalaban

Sa kabila ng maraming kaedad niya na nagsulputan sa showbiz, hindi nababahala si Jake Vargas dahil hindi siya nawawalan ng proyekto. Bukod sa hindi naman siya pinababayaan ng GMA at napapanood sa Pepito Manaloto at Buena Familia, tuluy-tuloy ang imbitasyon sa kanya para mag-show sa mga mall.

Kagagaling lang nito sa Cebu kung saan dinala siya ng BNY Jeans para sa promosyon ng kanilang produkto. Endorser siya ng nasabing brand ng damit.

Tatlong malls ang nilagare niya roon at lahat ay dinumog siya.

BIANCA UMALI BUENA FAMILIA DIEGO LOYZAGA FILIPINO ACADEMY OF MOVIE ARTS AND SCIENCES JAKE VARGAS JASMINE CURTIS-SMITH KIKO ESTRADA KIM RODRIGUEZ MARK NEUMANN MIGUEL TANFELIX NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with