Jaclyn at Lauren may masamang balak kay Megan!
(Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa pagpapatuloy ng Marimar, hindi nakapagtalik sina Sergio (Tom Rodriguez) at Marimar (Megan Young) sa kanilang honeymoon dahil nakatulog si Sergio.

Sa kanilang pamamasyal ay nadikya naman si Sergio at si Marimar ang gumamot sa kanya. Maalala ni Sergio na minsang nadikya rin siya noong bata pa siya at isang batang babae (Marimar) ang gumamot sa kanya. Destiny nga ba silang dalawa? Natapos ang araw at natuloy din ang pagtatalik nila bilang mag-asawa.

Samantala, namumroblema si Renato (Ricardo Cipeda) sa sales ng resort nila at makakaisip si Sergio ng isang magandang marketing plan.

Habang nangangabayo naman si Marimar ay pinainan siya nina Angelika (Jaclyn Jose) at Antonia (Lauren Young) ng ahas kaya nahulog ito.

Hindi naman nasaktan nang malubha si Marimar mula sa pagkakahulog, at lalo lang silang naging sweet ni Sergio in full view ng mag-inang Angelika at Antonia.

 

ANGELIKA ANTONIA HABANG JACLYN JOSE LAUREN YOUNG MAALALA MARIMAR MEGAN YOUNG RICARDO CIPEDA SERGIO TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with