Matapos lokohin ng mister, female singer isinumpa ang tukso kaya hindi na nag-asawa uli
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2015 - 10:00am

Tuwing naaalala ngayon ng isang female singer ang mga sakripisyong ginawa niya habang nagsasama pa sila ng nakahiwalay niyang mister na isang businessman ay napapailing na lang siya.

Mabuti na lang daw at buung-buo ang kanyang paninindigan. Ipinagpapasalamat niya ang magandang pagpapalaki sa kanilang magkakapatid ng kanilang mga magulang. Laking-probinsiya ang babaeng performer.

Sakripisyo talaga dahil sa kasagsagan ng kanyang singing career ay pinagdamutan niya ang kanyang sarili ng kasarapan ng buhay. Tuwing matatapos ang kanyang concert ay hindi na siya sumasama sa produksiyon para kahit paano’y maghugas-stress, kailangan na niyang umuwi agad para asikasuhin ang kanyang mister, papasok pa kinabukasan ang nag-iisa nilang anak.

Pero laking-gulat ng female singer, habang nagpapakahirap pala siya sa kakakanta sa iba-ibang bansa ay sinasamantala naman ng kanyang asawa ang pagkakataon, kaliwa’t kanan ang pambababae nito.

Nagdesisyon na ang female singer, nakipaghiwalay siya sa kanyang mister, mag-isa niyang itinaguyod ang kanilang anak na nakapagtapos sa isang international school at propesyonal na ngayon.

Hindi na uli nakipagrelasyon ang female singer, literal niyang itinuon ang kanyang oras at atensiyon para sa kanyang anak, mapagmahal ding anak at kapatid ang maga­ling na singer.

Naniniwala siya na nagkalat ang tukso sa mundong ito. Napakarami nang winasak na tahanan ang tukso. Kaya para wala nang mga matang lumuluha at mga pusong nasusugatan ay kailangan nating umiwas sa tukso.

Ubos!

AiAi malaki ang iginanda

Nakakaaliw ang CelebriTV, ang talk show na pumalit sa Startalk, tamang-tama ang timpla ng programang pinagsasamahan nina Joey de Leon, Manay Lolit Solis, at ng Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas.

Bongga ang unang sultada ng CelebriTV dahil ang mga unang guests nila ay sina Willie Revillame at ang tinatawag na Pambansang Bae ngayon na si Alden Richards.

Si Joey ang humawak ng panayam kay Willie, napakasarap panoorin ang dalawang TV hosts-komedyante na nagpapasaringan nu’ng magkatapat pa ang kanilang mga noontime shows, pero ngayon ay magkaibigan na uli at pareho pang Kapuso.

Ganu’ng magbiro ang kapalaran, ang magkakalaban nu’n ay puwedeng maging magkakaibigan na ngayon, at ang mga nagkakampihan naman ngayon ay hindi malayong magkaproblema rin.

Si AiAi naman ang nanggisa kay Alden Richards na kung tawagin ng Comedy Concert Queen ay mabait, marespeto, at walang kayabang-yabang, pati ang mga tagahanga nila ni Yaya Dub ay pinapurihan din ng komedyante dahil hindi nang-aaway.

Ganu’n pa rin ang papel ni Manay Lolit, pabati-bati lang, pero nag-level-up na ang kanyang mga pagbati. Hindi na nito bitbit ang mga bags ng mga produktong kanyang pinasasalamatan dahil fan sign na ang kanyang ginagamit.

Sa kabuuan ay masaya ang CelebriTV. May kontrobersiya, may katatawanan, may harutan, may mga rebelasyon, walang pagpapanggap ng pagiging malalim ang bagong talk show ng GMA 7.

Ang pinaghalong pagkokomedya ni AiAi at pagho-host ay nakakaaliw. Buhay na buhay ang kanyang segment. At napakalaki ng iginanda niya ngayon. Iba na talaga ang may inspirasyon at maligaya.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG COMEDY CONCERT QUEEN GANU KANYANG MANAY LOLIT MANAY LOLIT SOLIS MGA NGAYON PAMBANSANG BAE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with