^

PSN Showbiz

Para matagal pakinabangan singer-actress na OA kung magkuripot, malalaking damit at sapatos ang binibili sa mga anak!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malalakas na halakhakan ang maririnig isang gabi. Bumabangka kasi sa kuwentuhan ang isang dating kasa-kasama ng isang singer-actress na reyna ng kakuriputan.

Kapag nagsi-shopping kuno ang pamosong singer-actress kasama ang kanyang mga anak ay kailangang siya ang masunod. Kapag may nagustuhang sapatos ang kanyang mga anak ay kailangang mas malaki ang size na bibilhin. Mabilis daw kasing lumaki ang mga bata.

Para magamit ng kanyang mga anak ang bagong biling sapatos ay tatlong doble ang kailangang isuot na medyas ng mga bata dahil sa sobrang laki ng sapatos.

Sabi ng source, “Ganu’n siya katindi, ngayon pa lang, e, concerned na siya sa kinabukasan ng mga bata, kaya malalaking size ng sapatos at pantalon ang binibili niya!

“Gumagamit ng belt ang mga anak niya kahit batambata pa, kailangan kasing pigilan ang pantalon sa pagbagsak, dahil malaki nga ang size. Nakakaloka ang babaeng ‘yun!” sabi pa ng impormanteng halak­hak din nang halakhak.

Sa kanilang bahay pala ay ganu’n din ang nakasanayan ng may kakuriputang singer-actress, masinop talaga siya sa mga kagamitan, tatagal nga nang forever ang mga binibili niyang muwebles.

“Naka-plastic ang sofa niya, binabalutan pa ng magandang tela. Hindi ‘yun ginagamit, hindi inuupuan, parang pang-display lang. Ang mga kitchenwares niyang mamahalin, hindi rin pinaglulutuan, mga ordinaryong kaserola lang ang ginagamit ng cook niya.

“Nakakaloka talaga ang babaeng ‘yun, hindi na nakapagtataka kung bakit siya kumuha ng kursong dressmaking. Siya rin kasi ang nag-a-alter ng mga gowns niya na bagets pa siya, e, nand’yan na. Pati ang mga damit niya, siya na rin ang nagtatastas at nagbabago ng style.

“Ang galing-galing talaga niyang humawak ng pinaghihirapan niya, wala siyang sinasayang, kesehodang tawagin pa siyang inuyat!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mansiyon talaga bahay na ipinatatayo ni Vic para sa kanila ni Pauleen puro imported ang materyales

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkuwento sa amin na napakagarbo ng ipinatatayong bahay ni Bossing Vic Sotto para sa kanila ni Pauleen Luna.

Tiniyak din ng aming kausap na hindi ngayong 2015 magpapakasal ang dalawa, pero sigurado na sa mga unang buwan ng susunod na taon, bago ang Chinese New Year.

Ang sukat ng loteng pinagtatayuan ng bahay na ayaw pasabi ng aming source kung saan ang eksaktong lugar ay one thousand square meters. Ang floor area ng bahay ay 800 square meters, pang-garden nila ang 200 square meters, kaya mistulang mansiyon ang titirhan ng dalawa pagkatapos ng kanilang kasal.

“Saka masyadong metikuloso sa materials si Vic, puro imported ang ginagamit sa bahay, kung saan-saang bansa pa nanggaling ang mga materials para sa mga pintuan at bintana nila.

“Pinakamaganda ang gusto niya, ‘yung talagang materiales fuertes, napakaganda ng taste ni Vic sa pagpapagawa ng bahay,” pagdedetalye pa ng aming source.

Napakasuwerte raw ni Pauleen, ayon sa aming kausap, dahil ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng aktor-TV host ang kanilang kinabukasan.

Masuwerte rin naman si Vic kay Pauleen dahil matindi ang pag-aalaga ng aktres sa kanyang karelasyon, ramdam na ramdam ng aktor ang pagmamahal sa kanya ng dalaga, kaya mukhang ito na nga ang magiging huling babae sa buhay ni Vic Sotto.

ACIRC

ANG

BAHAY

BOSSING VIC SOTTO

CHINESE NEW YEAR

KAPAG

MGA

NAKAKALOKA

NIYA

PAULEEN

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with