?Kris consistent sa pang-iiwan kay Boy
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2015 - 10:00am

Mukhang napapadalas ang pang-iiwan  ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kan­yang best friend na si Boy Abunda sa mga progra­mang kanilang pi­­nag­sasamahan

Kung matatandaan pa, unang nagkasama si­na Kris at Boy sa Startalk ng GMA na nagpa­a­lam na rin sa ere last Saturday, September 12 pagka­ta­pos ng 20 taon nitong pamamayagpag sa ere.  

?Unang umalis si Kris sa Startalk para lumipat ng ABS-CBN. Sumunod naman sa kanya si Boy Abunda at sila’y nagsama sa now-defunct show­­­biz-oriented show na The Buzz. Sa kalagitna­an ng The Buzz ay umalis si Kris pero muli siyang bu­­malik sa program after a year. Si Kris ay isa rin sa mga dahilan kung bakit nagpaalam na rin sa ere ang The Buzz.

?Nagkasama rin sina Kris at Boy sa late night show na Showbiz News Tonight pero hindi rin na tagal sa ere ang programa. Nasa ere pa ang The Buzz nang simulan nina Kris at Boy ang nightly talk show nilang Aquino and Abunda Tonight. Last Wednesday, inihayag ni Kris sa isang presscon na aalis na siya sa tambalan nila ni Boy sa Aquino and Abunta Tonight due to health reasons kaya maiiwang mag-isa sa prog­rama si Boy.

Maxene gitarista ang bagong BF 

Masaya na naman ang kapaligi­ran ng panganay naanak ng yuma­ong Master Rapper na si Francis Ma­galona na si Maxene Magalona dahil may bago itong boyfriend sa katauhan ng guita­rist ng Pulso band na si Robby Ma­nanquil at anak ng Lifestyle Editor ng The Philippine Star na si Ms. Millet Mananquil.

Since bago pa lamang ang relas­yon ni Maxe­ne sa kanyang la­test nobyo, hindi pa sila humahantong sa usapang pagpapakasal.

At 28, handa na rin si Ma­xe­ne na mag asawa sakaling yakagin siya ng kanyang boyfriend na magpakasal. 

Naunahan pa si Maxene ng kanyang nakababatang kapatid si Saab Magalona na ikinasal sa nobyo nitong si Jim Bacarro last January 2015.

?Si Maxene ay huling napanood sa first season ng Your Face Sounds Familiar.

ABUNDA ACIRC ALIGN ANG KRIS LEFT MAXENE NBSP QUOT SHY STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with