Piolo bumalik na ang dating pakiramdam nang makaayos si KC
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2015 - 10:00am

Parang nabunutan ng tinik ang pakiramdam ngayon ni Piolo Pascual dahil on speaking terms na naman sila ng kanyang ex-girlfriend na si KC Concepcion.

Si KC ang unang nag-post sa kanyang IG (Instagram) account ng picture nila ni Piolo na kuha sa London at marami ang natuwa na kanilang mga tagahanga.  Pero ayon kay Piolo, matagal na umano silang okey ni KC nang magpahatid ng kanyang pakikisimpatiya ang actor sa pamilya ng kanyang ex-GF sa pagkamatay ng mamita nitong si Mommy Elaine Cuneta, ina ni Megastar Sharon Cuneta.

Ayon kay Piolo, ang sarap umano ng pakiramdam na wala siyang kaaway o nagtatampo o nagagalit sa kanya because he is a peace loving person.

Since okey na muli sina Piolo at KC, hindi malayong muling magkatrabaho ang dalawa unlike before na pareho silang nag-iiwasan.

Positive rin ang reaction ni Paulo Avelino sa muli nilang pagkikita at pag-uusap ng dating kasintahang si KC na nangyari rin sa London.

Abala ngayon si Paulo sa promo ng kanyang bagong movie sa bakuran ng Regal Films at Reality En­tertainment, ang horror movie na Resureks­yon na pinamahalaan ng bagitong director na si Alfonso  “Borgy” Torre III at pinagsasamahan nila nina Isabelle Daza, Jasmine Curtis-Smith at iba pa.

Kahit mas pinapaboran ng tadhana Michael walang masamang tinapay kay KZ

Sinasadya kaya o nagkataon lamang ang parating pagtatapat nina KZ Tandingan at Michael Pangilinan sa iba’t ibang patimpalak?

Taong 2012 nang magkasama sina KZ at Michael bilang contestants sa X-Factor Philippines kung saan si KZ ang nanalo at noong nakaraang taon naman ay magkatunggali rin ang dalawa sa Himig Handog ng ABS-CBN. Kung inawit ni Michael ang may pagka-controversial ang tema na Pare, Mahal Mo Raw Ako, si KZ pa rin ang pinaboran ng mga hurado.

Sa ikatlong pagkakataon, muling magkasa­ma at magkatunggali ang dalawa sa reality show na Your Face Sounds Familiar pero hin­di ito kinu-consider ni Michael na rivalry kundi para umano silang pamilya sa nasabing palabas.

Michael is even happy sa patuloy na tagumpay ni KZ at ganundin naman ito para sa kanya na unti-unti na ring nagpi-pay off ang pinaghirapang tagumpay sa tulong ng kanyang manager na si Jobert Sucaldito.

ACIRC ANG HIMIG HANDOG ISABELLE DAZA JASMINE CURTIS-SMITH JOBERT SUCALDITO MAHAL MO RAW AKO MEGASTAR SHARON CUNETA MICHAEL PANGILINAN MOMMY ELAINE CUNETA PIOLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with