^

PSN Showbiz

Feeling supermodel KC todo-emote at pictorial sa Paris

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Bigo si KZ Tandingan sa impersonation niya kay Vina Morales sa pilot episode ng Your Face Sounds Familiar Season 2. Mas kamukha ni KZ si Ethel Booba.

SCENE: Hindi nagtagumpay si KZ Tandingan na gayahin ang boses ni Vina Morales dahil natalbugan siya ni YFSF judge Jed Madela na gayang-gaya ang singing voice ni Vina nang kantahin niya ang Pangako Sa ‘Yo.

SEEN: Ang “send off” kay ABS-CBN President Charo Santos-Concio sa 9th Star Magic Ball. Magreretiro si Concio mula sa kanyang posisyon sa 60th birthday niya sa susunod na buwan.

SCENE: Ang Through the Years ni Kenny Rogers ang tribute song ni Piolo Pascual kay Charo Santos-Concio.

SEEN: Ang report ni Niña Corpuz sa News Patrol noong Sa­turday night ng ABS-CBN. Ibinalita ni Corpuz na dumating na rin si Senator Sonny Angara, kasama ang misis na si Tootsy Angara na “Suot si Rajo Laurel!”

SCENE: May double meaning ang tweet ni Joey de Leon na “It’s raining again! I love it whenever it rains! Ulan, ulan patay kawayan, Bagyo, bagyo patay kabayo” na tila patungkol sa rivalry ng Eat Bulaga at It’s Showtime.

SCENE: May pahiwatig sa pambabastos ni Enrique Gil sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola ang mga Instagram post ni JM De Guzman.

SEEN: Ang pagtatanggol ng fans ni Marian Rivera na may karapatan ito na huwag pansinin o batiin ang mga tao na lantaran ang paninira sa kanya, reporter man o hindi.

SCENE: Todo-emote, super pictorial, at feeling supermodel si KC Concepcion sa mga kalye ng Paris.

 

ACIRC

ANG

ANG THROUGH THE YEARS

CHARO SANTOS-CONCIO

CORPUZ

DE GUZMAN

EAT BULAGA

ENRIQUE GIL

ETHEL BOOBA

STRONG

VINA MORALES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with