Baby ni Marian mas malikot ‘pag kinakausap
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Ang galing naman ni Marian Rivera. Bukod sa siya na talaga ang pinaka-magandang buntis, heto at normal pa ang magiging panganganak niya. As in mararanasan niya ang pag-ire para sa panganay nila ng mister na si Dingdong Dantes pero nabanggit naman niyang nag-Lamaze lesson din siya.

“Nag-usap kami ng OB ko na magla-Lamaze lessons kami. Sabi ng OB ko, ‘Kung saan ka mas magiging maayos, comfortable, doon tayo. Kapag sinabi mong hindi mo na kaya, inject tayo. Pero kapag kaya mo, go tayo. At kapag nakikita naming hirap na hirap ka na at hindi mo na kaya, kami na mismo magde-decide. Wala ka ng choice, Ma­rian,” kuwento ng reyna ng GMA 7 sa September issue ng Smart Parenting magazine na siya ang cover.

Sinabi rin ni Mrs. Dantes na hindi nahirapan ang actor na mister dahil hindi siya naging maselan at maarte sa mga pagkain hanggang ngayong manganganak na siya.

“Wala siyang kahirap-hirap (sa akin), hindi ako naghahanap ng pinya na tatlo lang ang mga mata – walang gano’n. Actually, isa siya sa mga pinagliihian ko. ‘Di ba sabi nila, kapag buntis ka, ayaw mo sa asawa mo? Ayaw mo ng amoy niya, ganyan. Hindi ako gano’n! Gustong-gusto ko siya. Cute na cute ako sa kanya, tapos puro pasa siya kasi kinukurot ko siya. Nanggigigil ako sa kanya!,” pagkukuwento ng actress sa interview.

Maging sa kanyang mga kinakain ay hindi siya naging pasaway. Nagpaka-healthy siya. At lalong wala siyang naging problema sa pagkain ng gulay hindi katulad sa ibang mga buntis na ayaw magkakain ng gulay.

“Mahilig ako sa gulay. Kaya kong mag-imbento ng (recipe) na sayote na may halong malunggay. Igigisa ko, tapos may kaunting shrimp – okay na ako dun. Corny nga ako eh!”

Napansin din niyang totoo pala ‘yung ‘pag kinakausap ang baby sa tiyan ng mommy ay panay ang galaw nito.

“Sasabihin ni Dong, “Hi, Baby! This is your dad.” Gumagalaw talaga. Kaya iisipin mo, ang galing ni Lord. Paano niya nagawa ‘yon, ‘di ba?”

Marami pang kuwento ni Ma­rian sa nasabing interview na nakakatuwa.

Mabibili na sa mga magazine stands and bookstores ang kopya ng Smart Parenting na devoted sa kanya ang cover story.

Mabibili ang nasabing magazine sa halagang P125.00

Jessy at JM hindi lumutang sa Star Magic Ball, Liza nagmukhang Cinderella sa suot

In fairness, ang bongga ng gown ni Liza Soberano sa ginanap na 9th Star Magic Ball the other night. Pero wala siyang nakuhang special recognition. Si Michael Cinco ang creator ng kanyang gown na siguradong expensive.

Mala-Cinderella si Liza habang white and black suit naman ang partner niyang si Enrique Gil na gawa ni Pepsi Herrera.

Hindi naman naispatan sa Star Magic Ball si Jessy Mendiola at boyfriend na si JM de Guzman.

 

ACIRC AKO ANG DINGDONG DANTES ENRIQUE GIL HINDI JESSY MENDIOLA KAYA SIYA SMART PARENTING STAR MAGIC BALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with