_ngayon
^

Gov. Vi madalas pakalmahin si Xian sa shooting

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2015 - 10:00am

Hindi pa rin daw makapaniwala si Xian Lim na natupad na ang kanyang pangarap na makasama sa isang pelikula si Vilma Santos.

Ngayon ay abala ang aktor sa shooting ng kanilang bagong proyekto kung saan ay kasama rin nila si Angel Locsin.

“Nagsu-shoot pa rin kami ngayon pero it’s an experience, sobra. She was very supportive, nakikita niya kasi ‘yung kaba eh, kitang-kita niya eh. Sabi niya, ‘Relax lang hijo, relax lang.’ Tapos she’s very open to throwing lines and she’s so approachable,” kwento ni Xian.

Si Joyce Bernal ang di­rek­­tor ng pelikula kaya pinag­hahandaan daw talaga ng aktor ang bawat eksena na kanilang ginagawa.

“I really had to prepare. Inaalagaan naman niya bawat eksena and she makes sure na bago kami sumampa do’n sa mismong set. Eh, lahat prepared na maski ‘yung lahat ng linya, lahat ng emosyon nando’n na,” pagbabahagi ni Xian.

Maris marami pang gustong pag-aralan

Matagal na raw pinapangarap ng da­ting Pinoy Big Brother teen housemate na si Maris Racal na magkaroon ng sarili niyang album.

Hilig ni Maris ang pagkanta at pagtugtog ng gitara. “I’m dreaming of ha­ving an album myself and I want to sing a lot. I want to write a song. Singing is one of my passions,” bungad ni Maris. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw ng dalaga na magkaroon sila ng collaboration with Janella Salvador sa unang album na kanyang gagawin.

“Narinig ko naman po ang boses niya. I would love to sing with Janella Salvador and nagandahan din ako sa boses ni Diego Loyzaga,” pagtatapat ni Maris. Marami na raw natutunan ang dalaga sa industriya kahit baguhan pa lamang siya sa pag-aartista.

“Sanay na ako sa lahat like kunwari sa set, interacting with other celebrities and also sanay na rin ako sa mga negative comments. I try to stay positive at all times,” pagbabahagi ng aktres. Bukod sa mga ito ay marami pa raw gustong matutunan si Maris sa show business.

“I realized to never stop lear­ning. Kasi ‘yon ‘yung nakakatulong sa ‘yo na kahit magaling ka na sa isang bagay, na alam mong magaling ka na, you should not limit yourself from learning. So explore more so that you will learn more and be better,” nakangiting pahayag ni Maris.

ACIRC ANG ANGEL LOCSIN DIEGO LOYZAGA JANELLA SALVADOR MARIS MARIS RACAL PINOY BIG BROTHER SHY SI JOYCE BERNAL VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with