Lumipad pa-Cebu Matteo namatayan ng lolo, Sarah nakiramay sa dalamhati
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2015 - 10:00am

Uy nasa Cebu pala si Sarah Geronimo para sa burial ng lolo ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

Balitang nasa Canada si Matteo nang mamatay ang kanyang lolo kaya nagmamadali itong bumalik ng bansa.

Looks like level up na talaga ang relasyon nina Sarah and Matteo.

Malamang kasama si Mommy Divine sa Cebu at nakikiramay din.

Sarah tuloy na ang major concert sa December

Speaking of Sarah, tuluy na tuloy na ang major concert nito sa Araneta Coliseum sa December 4, 2015, 8:00 p.m. Pinamagatang Sarah Geronimo : From the Top #SGFromTheTop, wala pang ibang details ang major concert niya for this year.

Magsisimulang mabili ang tickets for the concert sa Tuesday, September 15 sa Ticketnet.

Last concert pa ni Sarah ay noong November 2013 sa Araneta and MOA Arena na Perfect 10 kaya marami nang excited sa #SGFromTheTop. Pareho niyang napuno ang nasabing venue.

ASAP sa London dinagsa ng 10,000

Ngayong araw na eere ang first episode ng ASAP sa London na naging controversial dahil sa pagkalasing ni Enrique Gil.

Walang kamalay-malay ang mahigit 10,000 katao na dumagsa sa tinaguriang grandest TFC (The Filipino Channel) event sa Europe  na ASAP Live in London na ginanap noong September 6 sa The SSE Arena Wembley sa nangyari sa actor.

Anyway, naging daan ang programa para mapagsama-sama ang mga Pinoy sa Europe na sabik makita ang paborito nilang idolo.

Kahilera na ng ASAP 20 Kapamilyas ang iba pang mga international artists tulad nina Elton John, Pink, Maroon Five, Beyonce, at U2 na nagtanghal na at napuno ang ikalawang largest indoor arena sa London.

Kaya maki-party kasama sina Enrique, Maja Salvador, James Reid, Enchong Dee, Robi Domingo, John Prats, at Luis Manzano sa kanilang pag-indak sa mga latest global dance craze.

Hindi rin magpapahuli sa dance floor ang sexy ladies na sina Arci Munoz, Shaina Magdayao, Jessy Mendiola, at KC Concepcion.

Maagang Christmas treat naman ang handog nina Erik Santos, KZ Tandingan, Aiza Seguerra, at Jed Madela habang magpapakilig naman ang JaDine, LizQuen, at CharDawn love teams.

Dumayo din sa London para magpakilig ang Kapamilya heartthrobs na sina Sam Milby, Paulo Avelino, at Piolo Pascual, at mapapakanta naman sa Karaokey nina Luis at Alex Gonzaga kasama ang special guest na si Coco Martin.

Espesyal na bisita nila ang British vocal group na Blake na kakanta ng OPM songs sa unang pagkakataon.

AIZA SEGUERRA ALEX GONZAGA ANG ARANETA COLISEUM ARCI MUNOZ ARENA WEMBLEY CEBU COCO MARTIN ELTON JOHN ENCHONG DEE ENRIQUE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with