Enrique Gil natakot mawalan ng career, nag-sorry sa pambabastos kay Jessy Mendiola
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Nag-sorry na si Enrique Gil sa nangyaring insidente nang malasing siya sa flight papunta sa London last week.

Sa TV Patrol ay nagsalita ang actor kagabi habang katabi ang ka-loveteam niyang si Liza Soberano at nanghingi na ng paumanhin kay Jessy Mendiola na balitang kinulit-kulit niya at minura pa.

Si Paulo Avelino naman ay tumanggi rin na magkomento tungkol sa isyu. Umano’y silang dalawa ni Jake Cuenca ang salarin kung bakit nalasing si Enrique at nagwala nga.

“Well, I had nothing to do with it. It’s better talaga to wait for what Enrique (has to say) or for Enrique’s official statement,” sabi ni Paulo sa presson ng Resureksyon the other night. Ang Resureksyon ang latest movie ni Paulo for Regal Films na launching movie naman ni Isabelle Daza.

 Kahit buntis na buntis, Juday todo-rampa sa London at Istanbul

Wow ang galing naman ni Judy Ann Santos. Kahit buntis na buntis, nakaka-travel siya sa Istanbul.

Kasalukuyang nasa Istanbul sila ng asawang si Ryan Agoncillo base sa mga post nila sa Instagram account nila. Panay ang pasyal at kain nilang  mag-asawa.

Bago nag-Istanbul, namasyal na ang mag-asawa sa London.

Startalk hanggang ngayon na lang

Nangako ng pasabog ngayong Sabado ang huling episode ng Startalk kasabay ng 20 years celebration ng itinuturing na biggest newsmaker at Philippine te­levision’s one and only showbiz authority.

Pinatunayan ng Startalk ang kanilang kredibilidad sa paghahatid ng pinakamaiinit at pinaka-inaabangang mga balita at isyu sa showbiz kasama ang mga hosts na sina Joey de Leon, Lolit Solis, Butch Francisco, Ricky Lo, at Heart Evangelista.

At para gunitain ang kanilang 20th anniversary, handog nila ang isang video mula sa dating host ng Startalk na si Boy Abunda kung saan nagbahagi siya ng kanyang mga kwento tungkol sa programa.  

Naghanda rin sila ng top 20 fearless questions mula sa viewers at netizens na matapang na sasagutin ng mga host.

Ang tiyak na emotional sa pamamaalam ng talk show ay si Nay Lolit.

Kahit siguro pigilan niya, tiyak na iiyak siya.

Wilma Galvante umalis na sa TV5

Formal na ang pag-alis ni Ms. Wilma Galvante sa TV5. Kahapon ay nagpadala ng official statement ang Corporate PR ng network kaugnay dito.

“TV5 president and CEO Noel Lorenzana and Enforcement Content Officer Wilma Galvante announced jointly today that Galvante will be leaving the network to establish an independent content creation company. TV5 will continue to benefit from Galvante’s broadcast experience as her company will be the line producer of such shows as Happy Truck ng Bayan and Wattapad Presents. Galvante, on the other hand, is looking forward to providing content not only to TV5 but to other platforms and channels as well.”

Bulilit nina Chiz at Heart may hang-over pa kay Stephen Curry

Hindi lang pala si Daniel Padilla ang sumaya nang duma­ting ng bansa ang reigning NBA MVP na si Stephen Curry.

Maging ang anak pala ni Sen. Chiz Escudero na si Quino ay may hang over pa nang ma-meet ang idol nang bumisita sa bansa nitong nakaraang Sabado.

Tinupad daw kasi ng senador ang birthday wish ng anak na makita ang sikat na shooting guard ng NBA champion Golden State Warriors.

Sa tulong ng ilang kaibigan ng pulitiko, nakamayan at nakapagpa-picture pa sa kanyang idol ang isa sa kambal ng anak ni Chiz na kanyang inabangan sa isang hotel sa Makati.

Samantala, nag-date naman ang senador at ang kakambal ni Quino na si Chesi sa isang restaurant sa Quezon City.

Hindi naman nagpahuli ang maybahay ng senador na si Heart E­vangelista sa pagbati sa kambal na tinawag pa niyang “my bulilits” sa isang post sa Instagram sa mismong kaarawan ng kambal noong Sept. 7.

                                                                        

ACIRC ALIGN ANG ENRIQUE GALVANTE LEFT NBSP QUOT STARTALK STRONG WILMA GALVANTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with