Hindi makatiis, Zsa Zsa sinundan ng fiancé sa London
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2015 - 10:00am

Luis naimbyerna sa nag-report ng kanyang video sa administrator ng IG; Pacman pinuri sa planong pagreretiro sa 2016

SEEN: Walang epekto sa manonood ang pagdadala ni Enzo Pineda ng gunting na ginamit niya na panggupit sa kanyang underwear sa Cosmo Carnival noong Sabado dahil ginawa na ni Paulo Avelino ang ganoong gimik sa Cosmo Bash noong 2011.

SCENE: Spotted sa Cosmo Carnival ang former matinee idol na si Lloyd Samartino at ang non-showbiz girl na ka-holding hands niya.

SEEN: Na-miss sa Cosmo Carnival ang hunk stars ng ABS-CBN dahil karamihan sa kanila ay nagpunta sa London para sa ASAP20 show.

SCENE: Sinundan si Zsa Zsa Padilla sa London ng kanyang fiancé na si Conrad Onglao. Nag-propose ng kasal si Conrad kay Zsa Zsa noong August 30, bago lumipad sa London ang veteran singer-actress.

SEEN: Ang mensahe ni Luis Manzano sa tao na nag-report sa Instagram (IG) administrator ng kanyang funny videos na na-delete dahil sa paglabag sa community guidelines: “To whoever reports my videos, please do the right thing and unfollow if you don’t like my post. You chose to follow so by all means unfollow if you don’t like the content! It’s as if you are invited to someone’s house and then rearrange their furniture because it’s not your thing. Don’t be an idiot, just unfollow me.”

SCENE: Marami ang pabor sa desisyon ni Congressman Manny Pacquiao na magretiro sa boxing sa 2016.

SEEN: Kawawang-kawawa ang It’s Showtime sa Eat Bulaga noong Sabado dahil mistulang laban ni Manny Pacquiao na tinutukan ng sambayanang Pilipino ang pagkikita nina Alden Richards at Yaya Dub.

SCENE: Patrice ang pangalan na pinili ni Patrick Garcia at ng kanyang misis na si Nikka Martinez sa ipinagbubuntis nito na second baby girl.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO CONRAD ONGLAO COSMO BASH COSMO CARNIVAL EAT BULAGA ENZO PINEDA LLOYD SAMARTINO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with