Sa Italy pakakasal Zsa Zsa engaged na rin sa arkitektong dyowa
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - September 4, 2015 - 10:00am

SEEN: Nagkape sina Jasmine Curtis Smith at Brian Poe Llamanzares sa lobby ng Manila Peninsula pagkatapos ng presscon ng My Fair Lady noong Huwebes. Text mates na si Jasmine at ang anak ni Senator Grace Poe.

SCENE: Dalawang malalaking pelikula ang magkasunod na ipalalabas sa mga sinehan, ang Etiquette for Mistresses ng Star Cinema sa September 30 at ang Felix Manalo ng Viva Films sa October 7.

SEEN: Engaged na si Zsa Zsa Padilla at ang kanyang boyfriend na si Architect Conrad Onglao noong August 30. Umiyak si Onglao nang mag-propose kay Zsa Zsa. Balak nina Onglao at Zsa Zsa na magpakasal sa Italy.

SCENE: Ngayong gabi ang Cosmo Bash at gaganapin ito sa concert ground ng Mall of Asia. Rarampa sa Cosmo Bash sina Daniel Matsunaga, Elmo Magalona, JC De Vera, at Derrick Monasterio.

SEEN: May pelikula sila na ginagawa ang depensa ni Rocco Nacino sa isyu na napariwara ang career ni Aljur Abrenica. Mabalasik ang pamagat ng pelikula nina Rocco at Aljur.

SCENE: Ang pictorial ni Jackie Forster at ng anak na si Caleigh para sa birthday celebration nito na magaganap sa huling linggo ng September.

ALJUR ABRENICA ANG BRIAN POE LLAMANZARES CONRAD ONGLAO COSMO BASH DANIEL MATSUNAGA DE VERA DERRICK MONASTERIO QUOT STRONG ZSA ZSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with