_ngayon
^

Kumpleto pa ang kabuhayan showcase... Magandang young actress na feeling virgin ang image, naigarahe na ng DOM!

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - September 1, 2015 - 10:00am

May isang magandang young actress na ngayon pa lang nabibigyan ng magandang break ng kanyang network. Bumibida na siya ngayon sa isang teleserye.

Maganda ang young actress, parang napakai­nosente ng kanyang itsura, parang wala siyang kamuwangan sa mundo sa biglang tingin. Pero hindi, sagana na siya sa karanasan, marami na siyang pinagdaanan.

Sabi ng isang source, “Looks can be deceiving,” dahil kung titingnan nga naman ang young actress ay parang manang na manang ang kanyang dating.

Kung ganu’n ang tingin sa kanya ng iba ay kilalang-kilala naman siya sa isang siyudad sa bandang Norte. Pamilyar ang kanyang mukha sa nasabing lugar dahil du’n siya ipinagpatayo ng malaking bahay ng kanyang karelasyong halos tatay na niya ang edad.

Kuwento ng aming impormante, “Napakalaki ng house, sobrang laki. Paminsan-minsan na lang siyang nakakapunta du’n ngayon dahil madalas ang taping niya. Pero nu’ng puro kaibigan pa lang ng bida ang role niya, madalas siyang maglagi sa bahay na ipinatayo para sa kanya ng D.O.M. na naggarahe na sa kanya,” nakataas ang kilay na kuwento ng aming source.

Heto pa. Dahil kilala ang lugar sa pagsasaka ay hindi lang bahay at salapi ang ibinigay sa kanya ng may edad na niyang karelasyon. Ibinili pa siya nito ng mga lote, pati nga makinang pambukid ay meron na rin ang kanyang pamilya, kumpleto na ang kanyang kabuhayan showcase.

Tapos ay mababasa-maririnig ng mga taong ‘yun ang kanyang deklarasyon na wala pa siyang karanasan sa isang seryosohang pakikipagrelasyon at pinopormahan kuno siya ng isang aktor na mas may edad kesa sa kanya?

“Nooooooooooo!!!” madiing sigaw ng source na nakakaalam ng mga milagro niya sa buhay. Ubos na ubos!

Mga bumida sa Baker King tumatak ang akting

Hanggang sa susunod na Biyernes na lang ang Baker King. Sa September 11 nang gabi ay siguradong malulungkot na ang mga kababayan nating tumutok mula sa unang gabi ng seryeng isinalin sa ating wika hango sa isang Korean-novela.

Puro magagaling na artista ang gumaganap sa Baker King pero nagmarka sa manonood ang mga kabataang artistang sina Akihiro Blanco, Shaira Mae, Inah Estrada, at ang bumibidang si Mark Neumann.

Wala nang kuwestiyon sa galing sa pag-arte nina Allan Paule, Yul Servo, Mon Confiado, Ian de Leon, Joonee Gamboa, Ms. Boots Anson-Roa, Diana Zubiri, Jackie Lou Blanco, at Raymond Bagatsing.

Bigay na bigay na ang husay ng kanilang talento pero ang ipinakitang gilas sa pagganap ng mga kabataang artista ng TV5 na produkto ng kanilang Artista Academy ay kapuri-puri.

Hanggang sa kanilang pagtanda ay hindi malilimutan nina Akihiro, Shaira Mae, Inah, at Mark Neumann ang markadong partisipasyon nila sa Baker King.

Bibihira lang dumating ang ganu’ng kagandang pagkakataon, maraming salamat kay Direk Mac Alejandre na gumabay sa mga bagets stars ng TV5, at maraming salamat sa kanilang talento na mas nahubog pa nang dahil sa Baker King.

Pagkatapos ng Baker King sa September 11 nang gabi ay malaking pagbabago ang magaganap sa aming buhay. Wala na ang hindi namin pinalalampas na serye, pipili na naman kami ng ipampapalit sa matatapos nang programa, kailangang sumapat ang papalit sa kasiyahang nararamdaman namin sa kuwento ng Baker King.

ACIRC AKIHIRO BLANCO ALLAN PAULE ANG ARTISTA ACADEMY BAKER BAKER KING KANYANG MARK NEUMANN MGA SHAIRA MAE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with