Miley Cyrus mukhang porn star sa MTV Music Awards
(Pilipino Star Ngayon) - August 31, 2015 - 10:00am

SEEN: Na-master na ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo ang pabebe wave at pabebe look nina Lola Nidora, Lola Tidora, Lola Tinidora, Alden Richards at Yaya Dub ng Eat Bulaga.

SCENE: Marami ang disappointed dahil 3rd runner up lamang sa The Voice Kids si Esang De Torres na klaro ang boses at intonation kesa kay Elha Nympha na forte ang pagbirit.

SEEN: Hindi nakarating sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ang ibang mga nagplano na panoorin ang huling gabi ng The Voice Kids dahil sa trapik sa EDSA.

SCENE: Iniyakan ng INC members ang bagong upload na trailer ng big budgeted movie na Felix Manalo.

SEEN: Mga nakaw-eksena sa MTV Video Music Awards sina Miley Cyrus, Kanye West at Justin Bieber. Mukhang porn star si Miley sa kanyang revealing outfit, hindi sineryoso ang pralala ni Kanye na tatakbo siya na pangulo ng Amerika sa 2020 at best drama actor si Justin na umiyak pagkatapos ng kanyang song number.

SCENE: Brain cancer ang ikinamatay noong Linggo ng direktor na si Wes Craven. Ang Scream at Nightmare on Elm Street ang dalawa sa maraming horror movies na ginawa ng 76-year old director.

SEEN: Ang kampanya kahapon ng fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na paabutin sa tatlong milyon ang tweets para sa kanilang mga idolo dahil sa obsesyon na matalbugan ang tweets sa AlDub.

SCENE: Ang maling akala ng fans na ang milyun-milyong tweets ang basehan ng popularidad ng mga artista at ng kanilang mga television show. Ang hinog sa pilit, kadalasan ay mapait.

ALDEN RICHARDS ANG ANG SCREAM DANIEL PADILLA EAT BULAGA ELHA NYMPHA ELM STREET ESANG DE TORRES FELIX MANALO STRONG VOICE KIDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with