Liza masyadong humble, hindi pa ramdam na sobrang sikat na
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - August 30, 2015 - 10:00am

Sana nga ay walang nakalimutan si Liza Sobe­rano sa bilang niyang may 14 endorsements na siya at ang pinakahuli ay ang Nails. Glow sa harap ng manager niyang si Ogie Diaz at ang mag-asawang Freddie at AJ Opeña na may-ari ng Nails. Glow Hand & Foot Spa.

Nagpa-survey ang mga Opeñas sa kanilang customers at franchisee kung sino ang gusto nilang maging first celebrity endorser at sa mga pangalang nabanggit, si Liza ang gusto ng lahat. Biro ni Sir Freddie, hindi naging madali ang negosasyon nila kay Ogie tungkol sa talent fee na hindi sinagot kung magkano.

Sagot pala ni Liza sa tanong kung ano ang feeling na sikat na sikat siya ngayon. Patunay ang pangunguna niya sa survey at ang pagiging almost sold out ng September issue ng Metro na cover siya within an hour na lumabas ang magasin.

“Hindi ko masyadong napi-feel, pero natutuwa ako dahil ‘di ko akalain na kilala pala ako at hindi ko alam na ako ang lalabas sa survey ng Nails.Glow.”

Tiyak na kikiligin ang fans nina Liza at Enrique Gil sa sinabi ni Liza na ‘pag naka-nail polish siya, nagugulat at natutuwa sa kanya ang ka-love team dahil nagmumukha siyang dalagang-dalaga.

Samantala, hindi muna gagawa ng teleserye si Liza dahil gagawa muna siya ng dalawang pelikula at sinimulan na nga nila ni Enrique ang Everyday I Love You. Marami rin siyang out of country tour na ikatutuwa ng fans nila ni Enrique na nasa ibang bansa.

Rocco nakagat ng aso kaya natalo sa sinalihang Jiu Jitsu competition

Pareho na sina Lovi Poe at Rocco Nacino na nakagat ng pet dogs ng aktres. Unang nakagat si Lovi ng dog niyang si Seth at noong isang araw, si Rocco naman ang nakagat ng dog pa rin ni Lovi na si Señor. Gaya sa girlfriend, nagpa-inject din ng anti-rabies si Rocco.

Wala sigurong kinalaman ang kagat ng aso sa pagkatalo ni Rocco sa sinalihang Jiu Jitsu. Puwede pang bumawi si Rocco lalo na sa sasalihang competition sa Tokyo, Japan sa September. Sa Sept. 10, ang alis ni Rocco at isasama niya si Lovi para ma­kapag-shopping, mamasyal, at makakain ng favorite niyang Japanese food.

Four days lang sa Japan sina Rocco at Lovi, hindi maaapektuhan ang taping nila ng Beautiful Strangers dahil puwedeng kunan ang mga eksenang wala sila.

Expect palang magagalit kay Rocco ang fans ng love team nila ni Lovi dahil sa takbo ng story dahil magiging magkarelasyon na sina Rocco at Heart Evangelista. Sa episode nga mamaya, magaganap ang second kissing scene nina Rocco at Heart.

Kahit hindi pa nagbababu, talk show ni Ryzza Mae hinihiritan nang ibalik sa ere

Sa September 21 na ang pilot ng Princess in the Palace, ang morning teleserye na tatampukan nina Aiza Seguerra, Ryzza Mae Dizon, at Eula Valdez. Ang First Daughter ang original title ng tele­serye, pero pi­nalitan dahil mas may dating daw ang final title at mas bagay sa story.

Sa direction ni Mike Tuviera, ka­sama rin sa cast sina Boots Anson-Rod­rigo, Dante Rive­ro, Cia­ra Sotto, Marc Abaya, Valeen Montenegro, Miggy Jimenez, Kitkat, Neil Perez at marami pang iba.

Ibig sabihin, hanggang Sept. 18 na lang ang The Ryzza Mae Show, tiyak na may iyakan sa final airing ng show at ngayon pa lang, may mga nagre-request na sana ibalik ito ‘pag natapos ang Princess in the Palace.

Heneral Luna mas naunang namayagpag sa ibang bansa kaysa sa ‘Pinas

Mapapanood na rin ng mga kababayan natin na nasa ibang bansa ang Heneral Luna dahil may global screening ang nasabing pelikula simula pa kahapon hanggang ngayong Lunes.

Nauna kahapon ang screening ng Heneral Luna sa New York, Washington D.C., at Dubai at ngayong araw ay ii-screen ang pelikulang pinagbibidahan ni John Arcilla sa Los Angeles at San Francisco, sabay ng selebrasyon ng Pilipinas sa National Heroes Day.

Sa September 9, ang showing dito ng Heneral Luna sa direction ni Jerrold Tarog. Sana makinig ang moviegoers sa panawagan ng cast at mga producer na panoorin at suportahan ang pelikula para marami pang pelikula sa mga bayani ng bansa ang maisapelikula.

ACIRC ANG ATILDE DAHIL HENERAL LUNA JIU JITSU LOVI NBSP ROCCO SA SEPTEMBER SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with