Bagong ambassadors ng PLDT Home Ultera na sina Rachel, Mika, Ara, at John Vic parang mga Goliath!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 30, 2015 - 10:00am

Hindi ako nagtagal sa thanksgiving lunch ni AiAi dahil maaga ang call time ko sa Startalk.

Hectic ang schedule ko noong Sabado dahil pagkatapos ng Startalk, tumuloy pa ako sa tsikahan portion sa mga volleyball player na ambassadors ng PLDT Home Ultera.

Kahit Sabado, nagtrabaho ang PLDT VP and Home Marketing Head na si Gary Dujali dahil umapir ito sa formal introduction kina Rachel Daquis, Mika Reyes, Ara Galang, at John Vic De Guzman.

Feeling David ako nang makilala ko ang apat na parang mga Goliath dahil ang tatangkad nila ‘ha!

Pare-parehong mga PLDT Home Ultera user sina Rachel, Mika, Ara, at John Vic dahil ‘yon ang ginagamit nila sa komunikasyon sa kanilang mga pamilya at kaibigan.

May regular communication si Rachel sa kanyang madir at kapatid na Germany-based dahil sa PLDT Home Ultera. Ganito rin ang experience nina John Vic at Ara na may mga kamag-anak din na naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ex ni Kiefer na si Mika papasang beauty queen

Nagandahan ako kay Mika Reyes pero hindi ko alam na siya pala ang ex-dyowa ng basketball player na si Kiefer Ravena.

Type ko ang short hair ni Mika na ang tangkad-tangkad na babae kaya puwedeng-puwede siya na mag-join sa mga beauty contest.

Mukhang malabo nang magkaroon ng Part 2 ang relasyon nina Mika at Kiefer dahil maingay ang tsismis na girlfriend na nito ang another volleyball player at PLDT Home Ultera ambassador na si Alyssa Valdez na nakilala ko naman nang ipakilala ni Papa Gary ang unang batch ng PLDT Home Ultera barkada na kinabibilangan nina Peter Torres at ng magkapatid na Dindin at Jaja Santiago.

Marunong tumanaw ng utang na loob, katulad ni AiAi iilan na lang sa showbiz

Hindi naniniwala si AiAi delas Alas na magiging biktima ng over exposure sina Wally Bayola at Jose Manalo na napapanood sa TV mula Lunes hanggang Linggo.

Ang sey ni AiAi, iba’t-iba naman ang mga karakter na ginagampanan nina Jose at Wally sa Eat Bulaga at sa Sunday PinaSaya kaya malabo na maging over exposure victims ang dalawa.

Magkasama uli kami ni AiAi noong Sabado sa thanksgiving lunch niya dahil sa mataas na ratings ng Sunday show nila sa GMA 7.

Isa si AiAi sa mga main host ng Sunday PinaSaya at hindi niya nakalimutan na magpasalamat sa mga sumusuporta sa lahat ng kanyang mga project, sa TV man at pelikula, kaya good karma siya. Sa showbiz, iilan na lamang ang mga katulad ni AiAi na marunong tumanaw ng utang na loob at never na nakalimot, lalo na sa mga tao na hindi siya iniwan noong panahon na dumaraan sa mga pagsubok ang kanyang professional at personal career.

Bentang-benta ang pagiging ‘lola’ iskandalo ni Wally, limot na talaga ng fans

Gumawa na naman ng history ang kalyeserye ng Eat Bulaga noong Sabado dahil sa 3.5 million tweets na nakuha ng programa.

Matatagalan o baka hindi na mahigitan ang record na ginawa ng kinababaliwan na kalyeserye ng undisputed number one noontime show ng bansa.

Habang tumatagal, nadaragdagan ang mga nahuhumaling sa kalyeserye ng Eat Bulaga, sa loveteam ng AlDub nina Alden Richards at Yaya Dub at sa mga funny scene nina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

Winner na winner sa televiewers ang paglangoy ni Lola Nidora sa swimming pool noong Sabado dahil nagsuot siya ng two-piece at inanod ng tubig ang kanyang wig. Nakabawi na talaga si Wally mula sa matinding pagsubok na pinagdaanan noon ng kanyang career at personal na buhay.

ANG DAHIL EAT BULAGA HOME ULTERA JOHN VIC JOSE MANALO MGA MIKA MIKA REYES SABADO WALLY BAYOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with