^

John Lloyd at Bea, sabay nanood ng KARNAL

(Pilipino Star Ngayon) - August 28, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Sopresang bumisita sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa ongoing REELive the Classics screenings sa Powerplant Cinema 5 kung saan ipinapalabas ang iba’t ibang digitally restored at re-mastered films ng ABS-CBN Film Restoration Project. Sa Facebook account ng head ng ABS-CBN Film Archives at Restoration na si Leo Katigbak, ipinost nito ang kanilang group picture na may caption na “Salamat sa suporta sa restoration efforts namin. Glad you enjoyed Direk Mari­lou Diaz-Abaya’s KARNAL.” Game na game naman nagpa-picture ang dalawa sa moviegoers na nandoon na talaga namang nagulat at na-excite sa kanilang pagdating. Kasama rin nina John Lloyd at Bea ang kasamahan nila sa pelikulang One More Chance na sina Bea Saw at direk Cathy Garcia-Molina. Bukas pa rin sa publiko ang REELive the Classics hanggang Martes (Sept 1). Panoorin ang HD versions ng mga pelikulang tulad ng Sarah Ang Munting Prinsesa, Got To Believe, Sana Maulit Muli,   One More Chance, Oro Plata Mata, T-Bird at Ako,  Karnal, Hindi Nahahati Ang La­ngit, at Tanging Yaman. Halagang P230 ang regular ticket price at P200 naman para sa mga estu­d­yan­te. Para sa kumpletong movie sche­dule ng REELive the Classic at para sa karagdagang impormasyon sa advocacy project ng ABS-CBN, bumisita lang sa http://www.facebook.com/filmrestorationabscbn.

ACIRC ANG BEA ALONZO BEA SAW CATHY GARCIA-MOLINA DIREK MARI FILM ARCHIVES FILM RESTORATION PROJECT GOT TO BELIEVE HINDI NAHAHATI ANG LA ONE MORE CHANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with