Sharon masaya na babalik sa pagiging judge
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - August 28, 2015 - 10:00am

All’s well that ends well sa pagitan ng nagkatam­pu­hang mag-inang Sharon Cuneta at KC Con­­cep­cion na nagkaayos nang ma-ospital ang Megastar recently sanhi ng viral infection.

Kahit naman nagkatampuhan sila ng kanyang pa­nganay, hindi naman daw ito nangangahulugan na she loves her daughter less at normal lamang daw naman sa isang mag-ina ang magkatampuhan.

Masayang-masaya muli ang pakiramdam ni Shawie hindi lamang dahil okay na sila ni KC kundi dahil balik na naman siya sa pagiging isa sa tatlong hurado ng ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar na pinagsasamahan nila nina Gary Valenciano at Jed Madela with Billy Crawford as host.

At least, sa pagsisimula ng second season ng Your Face Sounds Familiar ay nakalabas na ng pa­ga­mutan at magaling na ang misis ni Sec. Kiko Pa­ngilinan.

Talk show ni Ryzza Mae tuloy na ang paggu-goodbye

Mukhang hindi na si Ryzza Mae Dizon ang paborito ngayon ng Eat Bulaga kundi ang bagong loveteam nina Alden Ricards at Maine Mendoza na mas kilala ngayon as Yaya Dub.

Naging phenomenal ang loveteam nina Alden at Maine, ang AlDub na mukhang lumagpas pa sa kasikatan ng ibang maiinit na loveteam.

Samantala, malapit nang magpaalam ang The Ryzza Mae Show na araw-araw na napapanood sa GMA at pre-programming ng longest-running noontime show na Eat Bulaga kung saan kabilang din si Ryzza Mae.  Ang mawawalang The Ryzza Mae Show ay papalitan ng isang teleserye na pinamagatang Princess in the Palace (very Koreanovela) na pagsasamahan nina Ryzza Mae, Aiza Seguerra, at Eula Valdez kasama sina Boots Anson-Rodrigo, Dante Rivero, Ciara Sotto-Oconer, Marc Abaya, Kitkat, Valeen Montenegro, Miggy Jimenez at iba pa. Ito’y ididirek ni Mike Tuviera, anak ng big boss ng TAPE, Inc. at APT Entertainment na si G. Tony Tuviera.

Alden at Maine bibigyan muna ng solo movie

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na hindi umano ang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nina Vic Sotto at AiAi delas Alas ang magiging first movie project ng pinakamainit ngayon na loveteam ng bansa, ang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza kundi ang kanilang launching movie na silang dalawa mismo ang mga pangunahing bituin at ito’y ipu-produce ng APT Entertainment kung saan pareho may exclusive contracts ang dalawa?

Dahil sa sobrang init ng AlDub loveteam ngayon, marami ang humihiling na bigyan agad ang dalawa ng kanilang launching movie na mukhang pagbibigyan ng APT Entertainment big boss na si G. Tony Tuviera.

Bakit hindi rin bigyan ng GMA at APT ng bagong TV series na sina Alden at Maine ang mga bida?

Strike while the iron is hot!

ACIRC ALIGN ANG EAT BULAGA LEFT MAINE MENDOZA QUOT RYZZA MAE RYZZA MAE SHOW SHY STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with