Walang daya at plaster Derek at Coleen naglampungan sa marumi, maipis, at dinadagang lugar!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2015 - 10:00am

Ang ganda ng sagot ni Derek Ramsay sa tanong kung ano ang nararamdaman niya na pabata nang pabata ang kanyang leading ladies? Pagkatapos kasi kay Jasmine Curtis na leading lady niya sa Wattpad ng TV5, si Coleen Garcia naman ang kapareha niya sa Star Cinema at Viva Films movie na Ex with Benefits.

Challenge sa kanya na magkaroon silang chemisty ng mas batang leading lady at kung nagagawa niya, “amazing” ang feeling. Kuwento pa nito, he makes it a point na maging komportable sa kanya ang kapareha at ipinararamdam niya ang kanyang respeto rito, kaya siguro nagtitiwala sa kanya ang mga nakakatambal.

May ginawang love scene sina Derek at Coleen Garcia na sabi ng aktor, ginawa nila sa marumi, maipis at parang may daga na location. Pero wala silang magawa ni Coleen kundi gawin ang eksena at ang ganda raw ng rehistro ng eksena sa screen at naging favorite scene pa niya ‘yun.

May nadiskubre ang reporters kay Derek, hindi pala ito naglalagay ng plaster sa mga ginagawang love scene dahil masakit tanggalin. Respeto na lang sa kaeksena ang kanyang pinaiiral. “You have to be professional and shut down kung anuman ang nararamdaman mo para maging comfortable ang partner mo,” sabi ni Derek.

Siguradong masaya ang buong cast ng movie dahil ipalalabas ito simula September 2 ng wala ng isyu. Tahimik na ang isyu sa reklamo ng med reps at tila nakinig sa pakiusap nina Derek at Director Gino Santos na panoorin muna ang pelikula bago magreklamo.

Direk Joel kapang-kapa na si Dennis

Puring-puri ni Director Joel Lamangan ang Viva Films at Iglesia ni Cristo dahil alagang-alaga sila sa shooting ng Felix ManaloKuwento ni Direk Joel sa presscon ng movie, may 10 air-con tent sila at mahusay ang ugnayan ng mga producers, kaya wala siyang naging problema.

 “Natutuwa ako na hindi nag-give up sa movie ang mga producer kahit malaki ang budget dahil nakikita nilang importanteng project ito at kailangang mailagay sa puting-tabing,” wika ni direk Joel.

Ipinagpasalamat din ni Direk Joel na walang nag-inarte sa kanyang cast mula sa main cast hanggang sa guest stars at mga nag-cameo. Sa rami ng cast ng pelikula, kung may isang nag-inarte, nakatikim sigurado sila ng taray mula sa director.

Gamay na gamay na ni Direk Joel si Dennis Trillo dahil third movie na nila itong dalawa. Kaya si Dennis ang naisip at kinuha niya dahil period movie ang Felix Manalo at sa husay nito, alam niyang magagampanan nito ng mahusay ang role ni Felix Manalo.

Sa tanong kung muling magbe-best actor si Dennis sa nasabing pelikula?

“Oo naman” ang dere-de­retsong sagot ni Direk Joel.

Kaya bukod sa showing ng Felix Manalo sa October 7, ang sinasabing biggest premiere night sa October 4 sa Philippine Arena at ang paghihintay kung mananalo nga ng award si Dennis ang aabangan ng tao.

Janine pasikretong gumagawa ng pelikula

May ginagawa palang indie film si Janine Gutierrez under Director Gino Santos at ang title ng movie ay Lila. First movie rin yata ito ng aktres, kaya hindi nakagugulat kung sobra itong excited.

Walang masyadong details sa Lila, kung sino ang mga kasama niya at kung kailan ang playdate. Pero ang sipag ng director dahil katatapos pa lang nito ng Ex with Benefitsmay bagong pelikula ng ginagawa.

Nar Cabico pumatok sa pagiging sosyal na taong grasa!

Gumaganap na taong grasa at best friend ni Lovi Poe sa Beautiful Strangers ang theater actor at singer na si Nar Cabico. First major role ni Nar ang karakter nina Shakira at Rodolfo, pero si Shakira pa lang ang lumalabas. May malaking twist ang paglabas ni Rodolfo.

Enjoy sa TV si Nar at thankful sa GMA Artist Center na nagtiwala sa kanya at pinapirma siya ng renewable one year contract. Kuwento nito, na-starstruck siya sa co-stars niya, buti raw at easy to work sina Lovi Poe at Heart Evangelista, hindi niya na-feel na baguhan siya.

ACIRC ANG COLEEN GARCIA DEREK DIREK JOEL FELIX MANALO GINO SANTOS KUNG NBSP NIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with