Pia mas lumuwa ang boobs dahil sa pagpapapayat; Kris ramdam na ang pagtanda
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2015 - 10:00am

SEEN: Si Iwa Moto at ang kanyang stepson na si Thirdy Lacson sa Podium Mall noong Lunes. Nauuna si Iwa na hindi nagpakita ng concern sa kasama dahil sinusundan siya ni Thirdy na naglalaro ng iPad habang naglalakad sila.

SCENE: Nararamdaman na ni Kris Aquino ang pagtanda dahil napapadalas ang kanyang pagkakasakit at pagtaas ng dugo. Dapat pag-ingatan ni Kris ang kalusugan dahil hindi na siya bumabata.

SEEN: Lalong napansin ang giant bumpers ni Pia Wurtzbach dahil malaki ang ibinaba ng kanyang timbang bilang paghahanda sa Miss Universe 2016.

SCENE: Ipinagkatiwala ng ABS-CBN kay JM de Guzman ang lead role sa All of Me. Hindi na dapat pabayaan at sayangin ni JM ang second chance na ibinigay sa kanya ng home studio niya.

SEEN: Hindi naalagaan ang continuity ng mga eksena ni Albert Martinez sa All of Me dahil may mga eksena na mahaba at maigsi ang buhok niya.

SCENE: Maybe This Time ang pamagat ng afternoon soap ng GMA 7 na tatampukan ng loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Co-stars sa Maybe This Time sina Camille Prats, Mark Anthony Fernandez, at Alessandra de Rossi.

SEEN: Co-host na si Melai Cantiveros ni Billy Crawford sa Season 2 ng Your Face Sounds Familiar na magbabalik sa ABS-CBN sa September. Si Melai ang grand winner ng Season 1 ng Your Face Sounds Familiar.

SCENE: Ang concert grounds ng Mall of Asia ang venue ng Cosmo Bachelor Bash sa September 5. Rarampa sa Cosmo Bash sina Daniel Matsunaga, JC De Vera, Derrick Monasterio, at Elmo Magalona.

ALBERT MARTINEZ ALL OF ME ANG BIANCA UMALI BILLY CRAWFORD CAMILLE PRATS COSMO BACHELOR BASH COSMO BASH MAYBE THIS TIME STRONG YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with