Angelika napagkakitaan pa ang pagbubuntis
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2015 - 10:00am

Biruin mo, nagamit pa rin ni Angelika dela Cruz ang kanyang pagiging buntis sa ser­yeng Healing Hearts. Buntis din kasi ang role na ginagampanan ni Angelika sa serye na reunion ng nagkahiwalay na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Dapat sa magka-loveteam nakasentro ang manonood, pero umaagaw ng pansin ang away nina Angelika at Mickey Ferriols at ang love triangle nila kasama si Jay Manalo.

Andre ‘di alam kung sino ang pipiliin kina Barbie at Yassi

Malilito talaga si Andre Paras dahil kati-take off lang ng loveteam nila ni Barbie Forteza, pero nabigyan agad ng threat ng isa pang loveteam, ‘yung sa kanila ni Yassi Pressman na binuo naman ng Viva. Ang tiyak na maaapektuhan nito ay si Andre. Tsk. Tsk. Tsk.

AlDub tutulungan si Derrick

Masaya kung totoo ngang makakasali si Derrick Monasterio sa Eat Bulaga. Matsa-challenge nang husto si Alden Richards dahil hindi naman pipit­suging kalaban ang mas nakakabata, mas matangkad at mas may talento ring Kapuso youngster.

Mas mabilis ang pagsikat ni Yaya Dub kung makakatrayanggulo ng AlDub si Derrick.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANDRE PARAS ANG ANGELIKA BARBIE FORTEZA DERRICK MONASTERIO EAT BULAGA HEALING HEARTS JAY MANALO NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with