Maja walang reklamo kahit tinambakan ng trabaho
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2015 - 10:00am

Nagpapasalamat si Maja Salvador dahil tuloy-tuloy ang kanyang mga ginagawang proyekto sa Kapamilya network. Kamakailan ay nagtapos ang teleseryeng Bridges of Love at ngayon naman ay muling makakatambal si Coco Martin para sa Ang Probinsyano. “Sobrang masaya po ako na simula nang nagsimula ako, parang sobrang blessed ‘yung pakiramdam ko. Parang taun-taon hindi ako pinapabayaan ng ABS-CBN,” nakangiting bungad ni Maja.

“Bawat teleseryeng ginagawa ko, sobrang proud ako dahil parang sobrang nasasakto ‘yung role ko, ‘yung character ko sa akin. Kaya kung susundan n’yo po ‘yung track ng mga teleseryeng ginawa ko, wala pong parehas, iba-iba,” dagdag ng aktres.

Masayang-masaya si Maja dahil sa tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng big bosses ng ABS-CBN. “Sobrang blessed lang po talaga ako at siguro nakikita rin ng management na grabe ko rin talaga mahalin ‘yung mga proyektong binibigay nila sa ‘kin at nakikita nila na importante talaga sa ‘kin ang mga projects na ginagawa ko,” pagtatapos ng aktres.

Labis-labis din ang pasasalamat ni Maja sa kanyang mga tagahanga dahil bukod sa kanyang mga teleserye ay sinuportahan din ng mga ito ang kanyang dance album na nagkamit na ng platinum award.

Dennis nakatanggap ng pinakamalaking TF

Para kay Dennis Trillo ay ang pelikulang Felix Manalo ang pinakamala­king nagawa niyang proyekto sa kasalukuyan. Ayon pa sa aktor ay sa nasabing pelikula rin siya nakatanggap ng pinakamalaking talent fee kumpara sa lahat ng kanyang mga nagawa noon. “Opo, sa pelikula, ito na po ang pinakamalaki,” pagtatapat ni Dennis.

Kaya naman pinaghandaan daw talaga ng aktor ang kanyang role sa nasa­bing proyekto. “Sa preparasyon, marami po kaming pinagdaanan. Nag-immersion po kami, kinausap po kami ng mga ministro, ni-lecture-an po, backgrounder. Binigyan po kami ng mga babasahin and siyempre po, pinag-aralan namin ‘yung script. Ako po maaga pa lang, no’ng nalaman ko po na ako po ang gaganap, nag-research na ako sa YouTube. Tiningnan ko kung may videos ba para makita ko ‘yung hitsura niya, kung paano siya nagsasalita, ‘yung pamamaraan ng tono ng pananalita niya,” kuwento ni Dennis.

Napakalaking challenge daw para sa aktor ang kanyang ginawa dahil Katoliko siya at founder naman ng Iglesia Ni Cristo ang kanyang ginampanan. “Mahahaba talaga ‘yung linya. Kailangang mag-memorize ng maraming pages sa script, mabuti naman, kahit paano nakayanan ko. Ang mahirap pa do’n, ‘yung pagiging Ka Felix Manalo mismo dahil isa siyang napakaimpluwensyang tao,” pagbabahagi ng aktor.

Si Dennis din ang gumanap bilang matandang Ka Felix na dapat ay gagampanan ni Albert Martinez. “Medyo mahirap lang ‘yung matandang Ka Felix kasi matagal ikabit ‘yung fat suit at matagal ding tanggalin and mainit. Pero lahat naman ‘yun kayang tiisin dahil alam ko naman na maganda ‘yung proyektong ginawa ko,” giit ng aktor.

Reports from JAMES C. CANTOS

ACIRC AKO ALBERT MARTINEZ ANG ANG PROBINSYANO BRIDGES OF LOVE KA FELIX KANYANG MAJA MGA YUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with