^

PSN Showbiz

Heart hindi kaya ang limang anak, umapelang hanggang 2 lang

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ay hanggang dalawa lang pala talagang anak ang bubuuin ng mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Wala na raw nagawa ang senador kundi respetuhin ang kagustuhan ng kanyang misis na hanggang dalawang anak lamang ang kaya niyang ibigay sa mister na pulitiko.

Pagbibiro ng senador, gustuhin man niya ng limang anak, iginagalang niya ang request ni misis na dalawa lamang upang matutukan at mabigyan nila ng pantay na atensyon ang mga ito, kasama ang mga kambal na anak ni Senator Chiz sa unang misis.

Next year ang target nila matuloy man daw o hindi ang pagtakbo ni Chiz sa mas mataas na posisyon sa halalan sa 2016.

“Ika nga, bilang paggalang sa desisyon at karapatan ng ating mga kababaihan, sila ang dapat nagsasabi kung ilan, hindi iyong lalaki. Hindi naman tayo ang magbubuntis,” pahayag ng senador sa isang interview.

Nauna nang napabalita ang kanilang plano na magdaos ng simpleng  renewal of vows sa kanilang first wedding anniversary sa Pebrero 15 sa susunod na taon, this time, kasama ang mga magulang ni Heart.

Aniya, ang okasyon ay magsisilbi ring isang pasasalamat para sa magandang relasyon sa pagitan ng kanilang mga pamilya matapos ang naunang hindi pagkakaintindihan.

Mother Lily para kina Jinggoy at Bong ang birthday wish

Birthday wish ni Mother Lily Monteverde na makalabas ng kulungan ang magkaibigang senador na sina Sen. Bong

Revilla and Senador Jinggoy Estrada.

Noong mismong birthday ni Mother last Wednesday ay dinalaw pa niya ang dalawang nakakulong na senador.

Kinagabihan ay isang simpleng party lang sana ang magaganap pero nagsulputan ang mga kaibigan ni Mother Lily sa showbiz at mga pulitikong kanyang natulungan sa pangunguna ni DILG Sec. and presidentiable Mar Roxas with wife Korina Sanchez.

“I was planning only a quiet evening with my friends from the entertainment press. Much to my surprise Mar and Korina dropped by to greet me. And then Herbert (Bautista) also came. Dick Gordon and Sen. Trillanes also showed up. My GMA friends came in full force. I am touched by their thoughtfulness and I am also grateful for the many flowers from PNoy, Kris, ABS execs, Senators Villar & Binay, some of my stars Carla Abellana, Janella, Karylle, Kiray Celis, Kean Cipriano, Marlo Mortel and Albie Casiño came too and many more..

“Not to forgot also the chocolates from Susan and Grace Poe. I am grateful,” sabi ni Mother Lily.

Maraming nag-assume na done deal na ang endorsement ng Regal matriarch kay Sec. Roxas kaya nito sinorpresa si Mother L. pero ayon sa isang taong malapit dito, hindi pa raw ito nakakapag-decide.

Ginawan din ng intriga ang hindi pagsipot ng mag-inang Susan and Grace, pero pina­dalhan naman pala siya ng chocolates. Nauna na rin daw tumawag ang senadora kay Mother umaga pa lang noong Miyerkules kaya hindi na raw dapat bigyan ng intriga.

Kilalang supporter si Mother ng mga pulitiko tuwing sasapit ang election.

Noong nakaraang election, isa lang sa kanyang mga tinulungan ang hindi nakalusot, si Red Cross Chairman Dick Gordon.

Anyway, bukod sa pagdating ng mga pulitiko, naging highlight din ng kanyang birthday celebration ang trailer ng mga pelikula ng Regal na nakapilang ipalabas.

Nangunguna rito ang pelikula nina Jennylyn Mercado at Sam Milby na The Pre Nup. Kinunan sa New York ang ilang eksena ng pelikula at ang ganda ng poster.

Meron din siyang No Boyfriend Since Birth starring Carla Abella and Tom Rodriguez at may entry din ang Regal sa idaraos na Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Pasko.

Maligayang kaarawan Mother Lily.

Kahit September pa ang babu Lolit Solis nagluluksa na sa pamamaalam ng Startalk

Ngayon  pa lang ay nagluluksa na si Nay Lolit Solis sa pamamaalam sa ere ng programang Startalk sa September 12.

Twenty years ang itinagal sa ere ng talk show ng GMA 7 na ilan din ang nakatapat pero hindi napatumba. Kaya naman hindi nakakapagtaka kung umiiyak at nagluluksa si Nay Lolit.

Sabi niya kahapon nang makatsika ko sa Bambbi Fuentes Salon, mas lalong malungkot ang mga staff ng prog­rama na doon na  nagkapamilya.

Ang karamihan din sa mga nasa­bing staff ay na­dala niya sa abroad at naisama niyang magbakasyon dito sa ilang magandang lugar sa atin.

Kaya naman ginawan siya ng tribute ng mga staff na ipinapanood niya sa akin sa cellphone niya.

Background music ang Through the Years na inawit ni Kenny Rogers (pero ibang version ang nasa tribute ng staff). Theme song daw kasi ito nila ng namayapa nang si Ate Luds (Inday Badiday).

Kaya naman panay ang panood niya sa tribute video.

Makakasama pa rin naman sila sa ipapalit sa programa na pagbibidahan ni AiAi delas Alas pero iba na ang concept nito.

Malamang mawawalan na kasi ng batian portion ang programa na mas lalong nagpapalungkot kay Nay Lolit. Hihihi. Joke lang po.

ACIRC

ANG

ATE LUDS

BAMBBI FUENTES SALON

HINDI

KAYA

MGA

MOTHER

MOTHER LILY

NAY LOLIT

NIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with