Marimar at Buena Familia cast magpapayanig sa Kadayawan!

(Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Talaga namang bongga ang participation ng Ka­pu­so Network sa Kadayawan Festival ngayong weekend! Ngayong Linggo nga ay darating ang stars mula sa afternoon prime series na Buena Familia para makisaya sa fans nila sa Gaisano Mall of Davao! Makakasama ng mga Dabawenyo roon sina Kylie Padilla, Martin del Rosario, at si Julian Trono!

Naroon din sina Rhian Ramos at Mike Tan, ang gu­manap na magkapatid na tila nagkapalit yata ng kasarian mula sa katatapos lamang na daring series na The Rich Man’s Daughter.  Join din siyempre sa kanila si Mikael Daez mula naman sa maingay na ma­ingay na My Faithful Husband. Sa Abreeza naman mapapanood ang tatlo para makipag-bon­ding sa kanilang supporters.

At alam n’yo bang bago pa mapanood sa ere sa Lunes ang inaabangang primetime series na Mari­mar, sina Megan Young at Tom Rodriguez—ang  ba­gong Marimar at Sergio—ay pinainit pang lalo ang celebration ng pinakamalaking festival sa Da­vao! Nagpakilig lang naman ang dalawa sa ka­nilang mall show na ginanap noong Biyernes! Bagay na bagay talaga ang dalawa at kitang-kita ang che­mis­try nila kaya naman marami ang nag-aabang sa pag-ere ng Marimar.

Talaga namang na-enjoy ng mga Dabawenyo ang numbers na pinaghandaan nina Megan at Tom sa SM City Davao. At heto pa, ito ang kauna-unahang regional promo tour ng dalawa para sa nasa­bing show—o say n’yo, ang bongga ng Davao di ba?

ACIRC ANG BUENA FAMILIA CITY DAVAO DABAWENYO GAISANO MALL OF DAVAO JULIAN TRONO KADAYAWAN FESTIVAL KYLIE PADILLA MARIMAR SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with