^

PSN Showbiz

Nora at Dingdong, idol ang isa’t isa!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Isa talaga ito sa mga inaabangan ko, para sa akin dream come true. Ako’y namamangha every time I see her. Gusto ko ring maranasan ‘yung karangalan na makatrabaho ang isa sa pinakamalaking artista sa kasaysayan ng industriya ng pelikulang Pilipino,” pagbabahagi ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes nang tanungin tungkol sa pagkakataong makatrabaho ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Ngayon, hindi na lamang ito pangarap dahil mapapanood na si Ate Guy sa seryeng Pari ‘Koy na siyang pinagbibidahan ni Dingdong.

Hindi naman nagawang itago ni Ate Guy ang kanyang pananabik na makatrabahong muli ang batikang direktor na si Maryo J. Delos Reyes na nakasama na rin niya sa kanyang mga naunang pelikula. At sa isang panayam ay ibinahagi niyang pinakahihintay din niya ang makatrabaho si Dingdong. “Idol ko ‘yun. Nagkita kami minsan sa backstage sa isang awards night. Sabi ko pa nga gawa kami ng pelikula. Ito nga, finally, nagkaroon na ng katuparan na magkatrabaho kami.”

Gagampanan ni Ate Guy ang karakter ni Lydia, isang mapagmahal na ina at asawa. Masasadlak siya sa matinding kalungkutan matapos mamatay ang kanyang asawa. Mapapabayaan niya ang sarili pati na rin ang kanyang mga anak. Magpapalabuy-laboy siya hanggang sa makarating siya sa Barangay Pinagpala.

Mapapanood ang Pari ‘Koy tuwing Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

ACIRC

ANG

ATE GUY

BARANGAY PINAGPALA

BIYERNES

DELOS REYES

DINGDONG DANTES

KAPUSO PRIMETIME KING

MARYO J

NBSP

NORA AUNOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with