^

PSN Showbiz

Carmi kuntento na sa mga aso!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mga aso na lamang niya ang pinagkukunan ni Carmi Martin ng kasiyahan ngayon. Habang ang maraming babae, artista man o hindi, ay hindi mabubuhay ng walang lalaki sa kanilang tabi, si Carmi ay tinanggap nang maging masaya hanggang sa kahuli-hulihang hibla ng kanyang buhay na nag-iisa.

“Sinubok ko rin naman na umibig pero. palagi akong natatapat sa maling lalaki hanggang sa umabot ako sa punto na tanggapin na lang na lagi akong nag-iisa. Ang mahalaga ay hindi ako malungkot, fulfilled ako kahit wala akong katuwang sa buhay. Masaya na akong kasama ang aking mga aso. Kinuha ko na rin ang isang kapatid ko sa States na may sakit. Dito ko siya aalagaan. Sila ang kumukumpleto sa aking buhay,” pagtatapat ng dalagang nagpa­syang ilaan na lamang ang kanyang buhay sa Panginoon.

Nagkaro’n din ng panahon na muntik na siyang mag-asawa , pero umatras siya sa huling sandali. “Dati nai-insecure ako sa aking pag-iisa, pero natutunan ko na rin na maging masaya sa buhay. Desisyon ko ito, pangangatawanan ko. Hindi ako mag-aanak out of wedlock. Baka maging kasalanan ko pa kapag napabayaan ko sila,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay patuloy siya sa kanyang propesyon bilang artista. Nagagawa rin niyang praktisin ang kanyang pagiging interior designer, pero ang pagharap sa kamera ang nagbibigay sa kanya ng ibayong kasiyahan, kahit pa ang role niya ay kontrabida.

“Hindi ako kontrabida sa MariMar. Mabait ang role ko bilang kaibigan ni MariMar (Megan Young). Isa akong socialite, isang mag-aalahas na bibihisan siya’t imi-make over para siya gumanda at makaa­ngat sa pagiging api. ‘Di pa ako nakakapag-tape. Mabuti naman, dahil ongoing pa rin naman ang taping ko ng Ismol Family. Kapag nagkasabay ang trabaho ko sa dalawang teleserye ay baka magkaproblema ako dahil magkalayo ang lokasyon nila. Pero I’m sure gagawan ito ng paraan ni direk Dominic Zapata na siya ring direktor ng Ismol Family at MariMar,” pagkaklaro ni Carmi.

Sa trailer na ipinapanood sa media sa grand presscon nito, namalas muli ang kagandahan ng bago at batang MariMar. Marunong din siyang magsayaw sa saliw ng theme song ng teleserye. Nakita rin na may chemistry sila ni Tom Rodriguez na mas pinaganda pa ang pangangatawan para hindi mahuli sa unang gumanap ng role niya sa unang local version na si Dingdong Dantes.

Susan palaban na

Kung dati ay ayaw na sanang manghimasok pa ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces at ganap nang ipinamahala sa kanyang anak na si Sen. Grace Poe ang pagsagot sa mga tanong na may kinalaman sa pulitika, binasag nito ang kanyang katahimikan dahil aniya ay masyado nang pini-personal at nilalait ang kanyang anak. Bagaman at hindi naman nila ipinagkailang ampon lamang ay hindi niya inakalang gagawing isang dahilan para lamang ma­duro ang bagong pulitiko at dumihan ang kanyang pagkatao.

Patricia sa ‘Pinas palalakihin ang mga anak para maging magalang

Dapat papurihan ang dating sexy star na si Patricia Javier dahil nagawa nitong kumbinsihin ang kanyang asawa at mga anak na dito na sa Pilipinas mamalagi. Bukod sa may karera siya rito ay maaaring dito na rin mag-practice ang kanyang asawa na isang sikat na chiropractor sa U.S. Mas nagagandahan siya sa ugali ng mga bata na dito sa bansa lumalaki. “Mas gusto ko silang lumaki na magalang sa kapwa,” sabi niya.

Madali naman niyang napapayag ang asawa na dito na sila mamalagi. Mabilis naman itong makakuha ng mga pasyente dahil kumalat agad ang pagiging mahusay nito sa kanyang trabaho. “May clinic na siya rito at marami na ang pumupunta sa kanya. ‘Yung anak ko naman ay mabilis nakuha para maging modelo ng Canadian jeans,” pagmamalaki ng isa sa cast ng Doble Kara na gumaganap bilang ina ni Edgar Allan Guzman, isa sa dalawang leading men ni Julia Montes.

Marami ang nagtatanong kung bakit maaga siyang tumanggap ng mother role at adult na ang anak niya, “It’s just a role. Masaya nga ako na makapagtrabahong muli rito. Sa rami ng artista rito, maswerte na ako na ma­bigyan ng role na maari ko namang gawin,” anang dating sexy star na ipinauubaya na sa maraming mas nakakabatang artista ang pagpapaseksi dahil wala na siyang kailangan pang patunayan.

Pagbubuntis ni Angelika alaga nina Joyce, Krystal, at Kristoffer

Sobrang thankful ni Angelika dela Cruz dahil nagagawa pa rin niyang umarte kahit anim na buwan na siyang buntis. Bukod pa riyan, ipinagpapasalamat niyang mababait ang kanyang mga kasama sa Healing Hearts. Na-touch daw talaga ang Kapuso actress sa mga bagets dahil over-protective raw ito sa kanya kabilang sina Joyce Ching, Krystal Reyes, at Kris­toffer Martin na madalas niyang kaeksena, kaya naman mas napapadali ang kanyang trabaho.

ACIRC

AKO

ANG

DAHIL

HINDI

ISMOL FAMILY

KANYANG

MGA

NAMAN

NBSP

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with